^

Pang Movies

Anne at Maja, type ni Dennis!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinaghandaang mabuti ni Dennis Trillo ang mga action scenes sa indie film na The Janitor, ang sinasabing magpapabalik sa action mo­vies. Directed by Mike Tuviera, isinama niya sa movie ang mga training na ginawa ni Dennis bilang isang pulis at later naging hitman.  

Thankful si Dennis at ang APT Entertainment na siyang nag-produce ng entry sa katatapos na Cinemalaya X, nang ang Star Cinema ang siyang magri-release nito in commercial theaters nationwide simula sa October 8.  Nag-attend sa presscon sina Direk Mike, Dennis, LJ Reyes, Nicco Manalo, Alex Medina, Sunshine Garcia, Ynez Veneracion, at Richard Gomez. Wala si Derek sa presscon pero he gave a good performance sa movie.

Natanong si Dennis kung may chance, puwede ba siyang gumawa ng movie sa Star Ci­nema?  

Matagal na raw niyang gusto iyon pero kailangang magpaalam muna siya sa mother studio niya, ang Regal Films. Pero dahil Star Cinema nga ang magri-release ng The Janitor para na rin siyang nakagawa ng movie sa kanila.  When asked kung sino ang gusto niyang makatambal kung sakali, gusto raw niya si Anne Curtis at Maja Salvador. Pero baka raw matuloy ang project niyang Now and Forever sa Regal na sabi ang makakatambal niya ay si Maja.

Kasali ang kanilang movie sa coming 5th Festival Internacional de Ci­nema do Porto sa Portugal from February 27 to March 7, 2015.  At excited na si Dennis dahil first time niya iyon na makaka-attend ng international film festival.  Nagsabi naman si LJ na sana ay maka-experience rin siyang maka-attend ng isang international film festival.  Sa ngayon inihayag na ni Direk Mike na gagawa siya ng sequel ng The Janitor na malalaman na kung ano ang naging kapalaran ng mga nagnakaw sa bangko na nakakulong pa ngayon.

Marian binigyan ng achievement award ng kanyang alma mater

From the presscon of The Janitor, bumisita kami sa rehearsal ni Marian Rivera para sa dance show niyang Marian na napapanood every Saturday after ng Pepito Manaloto. 

Slim and sexy pa rin ang Kapuso Primetime Queen na binati namin dahil kahapon, tumanggap siya ng Dove Award mula sa St. Francis of Assissi High School, Las Piñas City, ang kanyang alma mater na nagdaos ng kanilang 33rd Founding Anniversary. Ang award ay ipinagkaloob sa mga achiever ng school, at isa nga si Marian sa naging recipients nito.  Nasorpresa si Marian dahil dumalo rin ang kanyang Lola Francisca na inimbita rin nga namumuno sa school.  Noong nag-aaral daw sa kanila si Marian, ang kanyang legal guardian noon ay ang lola niya dahil nagtatrabaho sa abroad ang kanyang mama Amalia.

Actor na walang trabaho choosy sa trabaho!

Can afford pala ang isang actor na tumanggi sa isang magandang pro­ject.  Bakit kaya siya tumanggi, wala naman siyang bagong teleserye na ginaga­wa sa kanyang network?  Hindi pa pala naka-move on ang actor dahil ang reason daw ng pagtanggi niya, ayaw niyang makasama sa cast ang isang actress dahil manager pa nito ang manager na nang-iwan sa kanya. 

 

 

vuukle comment

ALEX MEDINA

ANNE CURTIS

CINEMALAYA X

DAHIL

DENNIS TRILLO

DIREK MIKE

DOVE AWARD

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with