^

Pang Movies

Maris na-excite sa gitara ni Daniel

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

May kinahinatnan naman pala ang pagtuturo ni Maris Rascal kay Daniel Matsunaga sa pagtugtog ng gitara nung nasa loob pa sila ng Pinoy Big Brother house. Hindi pa nakalimutan ng model/hunk ang mga chord na itinuro sa kanya ni Maris. Ngayon ay bumili pa siya ng bago niyang gitara na pinagpapraktisan nito.

Ginatungan pa ng Danris followers si Maris dahil mas nauna pa itong nag-post na bumili nga si Da­niel ng gitara bago pa nagbalita ang hunk model sa kanyang Instagram (IG) account.

Bawat picture nina Daniel at Maris na magkasama ay laging pinag-iilusyonan ng Danris team na sana raw ay magkagusto ang model at magkatuluyan ang dalawa. Katwiran nila age doesn’t matter daw pero kahit noon pa man sa loob ng Bahay ni Kuya ay sweet na si Daniel sa lahat ng housemates nito. Pilit na nilalagyan ng kulay ng fans nina Daniel at Maris ang kulitan ng dalawa tuwing magkasama ang mga ito.

Tinatarget ni AiAi na Porsche iriregalo daw sa bagong boyfriend

Maraming bading ang naiinggit kay AiAi delas Alas dahil sa karelasyon nitong si Gerald Sibayan.

Bale ba 20 years old lang ang bagets samantalang 50 years old na ang komedyana. Badminton player ito ng De La Salle University at estudyante ng kursong Sports Management. Pero may plano pa rin itong kumuha ng aviation course balang araw.

May basbas ang relasyon nina AiAi at Ge­rald kay Sancho na anak ng komedyana kung saan pareho sila ng pinapasukang kolehiyo. Katuwa na “Paps Sancho” pa ang tawag ni Gerald sa anak ni AiAi.

Samantala, may bago na namang Porsche car na tinatarget si AiAi na ipinost pa nito sa kanyang IG account with matching  “Dream big”.  Siyempre umiral na ang malis­yosong pag-iisip ng netizens na may pagbibigyan na naman si AiAi na big time rin kung ma-in love dahil Porsche lang naman ang ibinibigay nito sa ex-hubby niyang si Jed Salang.

Buboy si Robin ang laging nasa isip kapag bad boy ang gagampanan

Pagkatapos sumabak ni Buboy Villar sa Children’s Show, ang indie film entry niya sa Cinemalaya X, mas ganado itong magtrabaho ngayon lalo na’t may bago siyang project sa GMA7 kung saan siya kasama sa cast ng Yagit.

Na-inspire si Buboy sa Cinemalaya movie niya kung saan marami raw siyang natutunan at isa na rito ang pagkakaroon pa ng mahabang pasensya at page-enjoy sa pakikisama sa mga nakakatrabaho nito. Nasabik daw agad siyang umakting at gusto raw niyang namnamin ang bawat trabaho na dumarating sa kanya lalo na kay Gina Alajar ang director nila sa Yagit.

Gaganap siyang isa sa kontrabida ng palabas na mangbu-bully sa mga bidang bata ng Yagit sa Kapuso Network. Robin Padilla raw ang peg niya sa kanyang role at gusto rin niyang maging action star balang araw.  Lagi raw si Robin ang nasa isip nito kapag bad boy ang role niya tulad ng movie niya sa Cinemalaya.

 

vuukle comment

BUBOY

BUBOY VILLAR

CINEMALAYA

CINEMALAYA X

DANIEL MATSUNAGA

DANRIS

DE LA SALLE UNIVERSITY

PORSCHE

YAGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with