^

Pang Movies

Ejay, dalawa ang asawa sa Ipaglaban Mo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaking nagpakasal sa dalawang babae ang karakter ni Ejay Falcon (Jigger) sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado (Setyembre 13) sa paghimay ng hit legal drama anthology sa kaso ng bigamy.

Breadwinner ng kanyang pamilya si Lala (Meg Imperial), ang unang asawa ni Jigger. Limang taon siyang nagtrabaho sa ibang bansa upang magbayad ng utang na loob sa kanyang tiyo at tiya na nag-alaga sa kanilang magkakapatid simula nang pumanaw ang kanilang mga magulang.

Kampante at tiwala si Lala na naiintindihan ng kanyang asawa ang kanyang sitwasyon, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na nanabang na pala si Jigger sa relasyon nila dahil bihira silang magkasama kahit pa halos siyam na taon na silang kasal.

Laking gulat na lamang ni Lala nang pag-uwi niya sa Pilipinas ay may kinakasama nang pangalawang asawa si Jigger. May nilabag bang batas si Jigger nang magpasya siyang magpakasal sa isa pang babae? Paano dinesisyunan ng korte ang kasong ito?

Bahagi rin ng episode na pinamagatang Kasal Ka Sa Akin, na idinerehe ni Mikey Del Rosario, sina Jeff Gaitan, Crispin Medina, Debraliz Borres, Karen Reyes, at Alora Sasam.

Huwag palampasin ang Ipaglaban Mo, ang gabay ng mga Pilipino sa kanilang karapatan at obligasyong legal, kasama sina  Atty. Jose Sison at Jopet Sison, ngayong Sabado pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ALORA SASAM

CRISPIN MEDINA

DEBRALIZ BORRES

EJAY FALCON

IPAGLABAN MO

JEFF GAITAN

JOPET SISON

JOSE SISON

KAREN REYES

LALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with