^

Pang Movies

Bea pinapanget ng stylish

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Natawa kami sa natanggap naming text na nagtatanong, may inggit daw ba ang mga stylists ng mga Star Magic talents na nag-attend ng Star Magic Ball last Saturday, dahil sa halip daw ma-enhance lalo ang beauty ng mga artista ay pinapangit nila dahil hindi bagay ang mga gowns, make-ups at hair styles nila? Isa sa ibinigay niyang example si Bea Alonzo na ang ganda-ganda raw, pero hindi bumagay ang hairstyle nito kaya pinipintas-pintasan ngayon.

Entourage sa Dongyan wedding ‘di pa pinapangalanan

Maliban sa picture posted nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera sa kanilang Instagram (IG) account last Sunday para sa important day bago ang nalalapit nilang wedding sa December 30, wala nang ibang nabalita tungkol sa event.  

Si Dingdong sa kanyang IG na @dongdantes: “Today is an important day. It’s time to get their “yes.” Si Marian sa IG           niyang @therealmarian: “Looking forward to having lunch with my Ninongs and Ninangs for my wedding.” At si Lilybeth Raso­nable ng GMA sa IG niyang @ligoras: Thank you for the wonderful lunch Dingdong at Marian. Of course, it’s a YES!”

Hintayin natin ang first season ender ng Marian sa Saturday, Sep­tember 13, baka doon din nila muling i-announce, as promised, ang complete list ng wedding entourage nila, tulad noong marriage proposal ni Dingdong last August 9. 

Paolo makikipag-negotiate sa TV5

Tinanong namin ang manager ni Paolo Bediones, si Noel Ferrer, kung totoo ang balita na nag-resign na as news anchor ng TV5 si Paolo. Sagot ni Noel, Paolo is still with TV5 in a different capacity for now.  Mag-uusap pa raw sina Paolo and TV5’s President Noel Lorenzana for his next assignment sa Kapatid Network, aside from his shows na Demolition Job at Rescue5 functions.

Kris nanghihinayang kay Aljur

Expected na naming sasabihin na naman ni Kris Bernal na break na sila ni Carl Guevarra dahil may bago siyang leading man, si Dennis Trillo, sa malapit nang ipalabas na primetime drama series nilang Hiram na Alaala.  Ganito kasi lagi ang nangyayari kahit nakikitang laging magkasama noon sina Kris at Carl, na kapag may bagong show at bagong katambal si Kris, sasabihin niyang wala na siyang boyfriend.  Pero this time yata ay totoo na dahil mismong si Carl ay nagsabi na ring wala na nga sila ni Kris.  At ayaw na rin niyang pag-usapan ang tungkol sa kanilang naging relasyon na on and off.

Natanong nga pala si Kris tungkol sa dating ka-love team na si Aljur Abrenica.  Hindi raw sila nagkakausap at ayaw niyang istorbohin ito dahil nasa critical na situation sa pagdedemanda nito sa GMA Network.  Ipinagdarasal na raw lamang niyang kung anuman ang desisyon na gagawin ni Aljur, sana ay doon talaga ito magiging masaya at maluwag sa loob niya.

Nanghihinayang man daw siya, wala naman siyang magagawa. Sayang nga raw lamang dahil mami-miss nila si Aljur ngayong nagbabalik ang original reality artista search na pinanalunan nila noon as Ultimate Survivor, ang StarStruck 6.

 

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BEA ALONZO

CARL GUEVARRA

DEMOLITION JOB

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

KAPATID NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with