^

Pang Movies

Billy sinundo sa kulungan ni Coleen

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isang gabi lang na natulog sa police headquarters ng Taguig City si Billy Crawford dahil nakalaya na siya kahapon.

Four thousand pesos ang bail o piyansa ni Billy para sa mga kaso na isinampa laban sa kanya ng Taguig Police.

Full support ang natanggap ni Billy mula sa kanyang girlfriend na si Coleen Garcia. Hindi umapir kahapon si Coleen sa Its Showtime dahil sinundo niya si Billy sa kulungan.

May important lesson na natutunan si Billy sa nangyari, ang drink responsibly. Sa isang iglap, nagbago ang takbo ng kanyang buhay at marami agad ang nangyari.

Ang maganda kay Billy, tinanggap niya ang pagkakamali. Isa lang ang pinabulaanan niya, ang balita na may sinuntok siya na police officers na babae.

Ang balita ko, inalis na sa Youtube ang video ng report na nanuntok si Billy ng dalawang policewomen.

Aktor nawalan ng raket, mga produ takot tumestigo

Nawalan ng mga raket at out of town shows ang isang aktor dahil ayaw ng mga produ/event orga­nizers  na madamay sa problema niya.

Nag-playing safe ang mga gustong kumuha noon sa serbisyo ng aktor dahil hindi nila pina­ngarap na makasama sa demandahan portion o maging witness sa breach of contract case na puwedeng isampa laban sa aktor na nagmamatigas at naniniwala na siya ang nasa tuwid na daan. Tuwid na daan daw o!

Show ni Tom, ipapasok bago ang show ni Ryzza Mae

Totoo ang tsismis. Mag-uumpisa sa September 22 ang Don’t Lose the Money, ang Monday to Friday  game show ni Tom Rodriguez.

Mapapanood ang Don’t Lose the Money bago ang The Ryzza Mae Show. Sa mga nagtatanong sa mang­yayari sa Basta Everyday Happy na pre-programming ng morning talk show ni Ryzza Mae Dizon, huwag ka­yong mag-alala dahil magtatanong ako sa mga kinauukulan tungkol sa magiging kapalaran ng programa nina Gladys Reyes, Donita Rose, Alessandra de Rossi at Chef Boy Logro.

Sunud-sunod na ipakikilala ng GMA 7 ngayong September ang mga bagong programa nila, ang Don’t Lose The Money, Strawberry Lane, Yagit, Hiram na Alaala, at MP Featuring Sport Science, ang show ni Congressman Manny Pacquiao.

Nakapag-advance taping na si Papa Manny bago siya lumipad sa China at U.S. para sa promo tour ng next fight niya sa Macau sa November 22.

Twice a month na mapapanood sa GMA 7 ang bagong TV show ni Papa Manny kaya walang masyadong pressure at conflict sa kanyang boxing training schedule.

Boy parang nag-diet lang

Tinutukan ko noong Linggo ang The Buzz dahil hinintay ko ang exclusive interview kay Boy Abunda.

Touching ang kuwento niya na may dementia ang kanyang ina pero naramdaman nito na nagkaroon siya  ng sakit. Mahal na mahal ni Boy ang kanyang ina na dinala niya noon sa Germany para sa stem cell therapy. Hindi nawalan ng hope si Boy na makakatulong ang treatment para gumaling ang karamdaman ng kanyang mahal na ina.

Totoo na pumayat si Boy pero positive ang kanyang pagkapayat dahil wala sa itsura niya nagkasakit siya. Parang nag-diet lamang si Boy kaya nabawasan ng 25-pounds ang kanyang timbang.

Inaalagaan na mabuti ni Boy ang sarili kaya tiyak na mapapaaga ang pagbabalik niya sa telebisyon.

 

vuukle comment

BASTA EVERYDAY HAPPY

BILLY

BILLY CRAWFORD

BOY

KANYANG

NIYA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with