^

Pang Movies

Q.C. Mayor walang alam na may pinagdaraanang depression si Sharon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagpahayag din ng kanyang suporta si Mayor Herbert Bautista para kay Sharon Cuneta na umaming dumaan sa mid-life crisis.

Ayon kay Bistek ay hindi raw niya alam na may pinagdaraanang mabigat ang kaibigang aktres.

“Nagte-text naman kami ni ate Shawie, eh, every so often, but I never thought that she was going through such depression,” say ni Bistek.

Message niya kay Sharon ay nandito lang daw silang mga kaibigan niya.

“Ate Shawie, nandito lang kami ha? I’m thankful that Juday (Judy Ann Santos) is a solid friend. Kapagka ano, nandito lang kami,” he said.

Anyway, tungkol sa political plans ni Mayor sa darating na eleksyon, aniya ay malamang na tapusin niya ang kanyang huling termino. Last term na niya sa 2016 kaya pwede pa siyang re-electionist.

“Of course, I’m going for the third term pero depende ‘yan sa partido. If the party says that “you run for higher office”, of course, I will abide by the party’s decision.

“But personally, gusto ko siyempre, re-elect ulit kasi ‘yun na ang third and last term,” say ni Bistek.

May posibilidad ba ng Kris (Aquino)-Bistek tandem sa 2016 elections?

“Wala, hindi kami nag-uusap ng ganu’n, we don’t talk about politics,” pahayag ni Mayor.

Mikoy todo effort sa debut ni Thea

Very touching ang lyrics ng ginawang kanta ni Mikoy Morales para sa rumored girlfriend na si Thea Tolentino bilang b-day gift niya sa young actress nang mag-debut ito last Aug. 16.

Kinanta mismo ni Mikoy nang live ang song na ginawa niya kay Thea sa mismong debut party nito at hindi lang ang young actress ang kinilig kung ‘di ang lahat ng nasa kasiyahan.

The song is entitled “Sorry” at basically, ang ly­rics ay panay hingi niya ng sorry. One line goes “at dahil birthday mo ngayon, sorry kung ito lang”.

Isabelle na-star struck kay Nora

Sobrang proud ni Isabelle de Leon na makaeksena sa musical seryeng Trenderas ang Superstar na si Nora Aunor.

May special participation kasi si Ate Guy sa serye at say ni Isabelle ay nakunan na ang scene nila.

“Siya po ‘yung idol namin na magme-mentor sa amin kalaunan,” esplika ni Isabelle sa role ng Superstar.

Kamusta naman ang expe­rience nila ng mga co-stars na sina Katrina Velarde and Lara Maigue working with the Superstar?

“Una na-excite kaming tatlo, na-star struck talaga kami. Pero she was kind and very humble at napaka-generous niyang aktres.

“Talagang nagbibigay siya ng tips sa pag-arte at napakabait niya. Sabi niya, ini-encourage niya kami, ‘Naku, ang gaga­ling nitong mga ito!’

“So nakakatuwa po, coming from the one and only Superstar, sobrang humble,” kwento ni Isabelle.

Magsisimula na ngayong Setyembre ang Trenderas sa TV5.

vuukle comment

ATE GUY

ATE SHAWIE

BISTEK

JUDY ANN SANTOS

KATRINA VELARDE AND LARA MAIGUE

MIKOY

MIKOY MORALES

NIYA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with