^

Pang Movies

Aiza iaapelang maging lalaki

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ambisyon ni Aiza Seguerra na mapalitan ang gender niya mula sa female to male base sa interviews sa kanya kaugnay ng High on Love concert nila ng girlfriend na si Liza Diño sa August 22 sa Music Museum.

Eh, malabong mangyari ito kahit magsampa siya ng petition sa korte. Major change kasi itong matatawag sa pagpapalit ng sex at hindi clerical error na basehan sa batas upang payagan ang ganoong pagpapalit.

May mga kaso na kasing nadesisyunan ang kor­te sa gustong magpalit ng gender pati na pangalan. May isang kaso na dinenay ang petisyon dahil hindi basehan ang sexual reassignment upang palitan ang gender at pangalan ng isang tao. Operada kasi ‘yung bading eh porke nagpa-sex transplant na siya ay papayagan na siya ng batas, huh!

Pero ‘yung isang lalaki ay pinayagan ng korte na maging male ang gender at pati na name. Meron kasing genetic disorder sa organ ng tao sanhi ng nature. Mas marami rin kasing male hormones ‘yung petitioner na nu’ng bata ay dalawa ang sex organs.

Tama na ‘yung pagiging transgender ni Aiza. Huwag na niyang galawin ang hindi dapat dahil hindi rin ‘yon papayagan ng korte. In love sila pareho ni Liza at puwedeng magpakasal sa ibang bansa, tama na ‘yon upang wala nang maging complication sa relasyon nila, huh!

Bonggang birthday ni Mother Lily inaasahanG uulanin ng taga-showbiz at mga pulitiko

Todo ang paghahanda ni Mother Lily Monteverde para sa kanyang bonggang birthday celebration bukas, August 19, sa Valencia Homes. Gusto kasi niyang mas personal ang pag-aasikaso sa lahat ng mangyayari kaya kahit nakakadama ng pagod ay hindi alintana ng Regal producer.

Inaasahang muli ang pagsasama ng showbiz at pulitiko sa birthday ng Regal matriarch. Hindi lang kasi nalimitahan sa showbiz ang kaibigan niya mula nang maging isa siya sa top movie producers ng bansa.

Una munang ginamit ni Mother ang mala­king bahagi ng lote ng Valencia. ‘Yung katabi nitong lote ay on-going ang construction upang maging hotel. Next month daw ay baka pormal na niyang buksan ‘yon.

May nagbiro nga kay Mother na baka puwede nang mag-birthday doon si Nora Aunor na da­ting bahay ng Superstar. Tugon ni Mother, “Why not? Everybody’s welcome naman to have their birthday here!”

Kasabay nga ng party ni Mo­ther ang premiere night ng movie na Somebody To Love na kanyang inaasahan na didiretso sa Valencia after ng premiere.

Happy, happy birthday, Mother Lily!

Anne at Cristine pinagsasabong sa galingan sa pag-arte

Hindi mabibigo ang followers nina Anne Curtis at Cristine Reyes sa malulutong na tara­yan nila sa bago nilang movie na The Gifted. Hindi pa rin kasi nawawala sa isipan ng publiko ang pagsasama ng dalawa sa No Other Woman kung saan nagpatalbugan talaga sila hindi lang sa kaseksihan, love scenes ma­ging pati sa batuhan ng maaanghang na linya, huh!

Although romantic comedy ang tema ng Viva movie, hinaluan pa rin ‘yon ng maaanghang na balitaktakan ng dalawa pero it was done comically!

Ngayon pa lang nga ay nagtatarayan na rin ang fans ng dalawa na kanya-kanyang depensa kung sino ang mas magaling na aktres, huh!

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANNE CURTIS

CRISTINE REYES

LIZA DI

MOTHER LILY

MOTHER LILY MONTEVERDE

MUSIC MUSEUM

NO OTHER WOMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with