^

Pang Movies

Nadine gustong magpaligaw kay James

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

At 20, mukhang palaban at walang kaartehan sa pagsagot si Nadine Lustre sa mga tanong ng entertainment press sa press launch ng second movie nila ng ka-love team na si James Reid, ang Talk Back and You’re Dead!  Ang movie ay first team-up ng Viva Films with Skylight Films, bale follow-up movie nila sa very successful na Diary ng Panget.

Ibinuko kasi ni James na good kisser si Nadine na sinagot nito ng “thank you” at hindi raw kasi niya nabilang kung ilang kissing scenes ang ginawa nila dahil maya’t maya raw ay naghahalikan sila.  Wala raw naman siyang reklamo dahil sinusunod lamang nila ni James kung ano ang nasa script dahil nasa story ito ni Alesana Marie sa kanyang best-selling and hip novel of the same title.  Ni-request daw iyon ni Alesana sa scriptwriter na si Keiko Aquino at sinunod naman ni direk Andoy Ranay ang script.

Kuwento pa ni direk Andoy na happy na muli siyang nakatungtong sa ABS-CBN na puno raw ng good at bad memories nang nandoon pa siya noon, na hindi raw siya istrikto sa kanyang mga artista, “I let them do this, do that, basta ang bilin ko lamang sa kanila, read the script at sundin ito.”  At nakita raw naman niyang marunong makinig ang mga artista niya, sina James, Nadine, Joseph Marco, at Yassi Pressman.

Parehong ayaw umamin sina James at Nadine na may something going on na sa kanila, kaya si direk Andoy muli ang tinanong, “mas maganda ang chemistry nila ngayon at kapansin-pansin ang maiinit nilang tinginan.”  Bakit hindi i-push ang dalawa, sagot ni Nadine, “sige, pero depende kung manliligaw si James.” May pag-asa ba si James if ever? “meron,” natatawang sagot ni Nadine.

Ang pambagets movie ay showing na sa August 20 at makakasabay ito ng Somebody To Love nina Iza Calzado at Carla Abellana for Regal Entertainment kaya may mga nagsasa­bing sana raw ay isa sa kanila ang mag-give way dahil mukha namang parehong promising ang dalawang pelikula.

Miguel at mga kasama sa niño dadayo sa Valenzuela

Top-rating ang inspirational drama series na Niño ni Miguel Tanfelix kaya naman ang followers nila ay laging nagri-request kung pwedeng mapanood sila nang personal.  Hindi naman sila binigo ng GMA 7 kaya mamayang 4:00 p.m., may mall show sina Miguel, David ‘Tukayo’ Remo, Renz Valerio, at Sandy Talag sa SM Center Valenzuela.

Mutya ng ‘Pinas eere mamaya bago ang SAS

Sina Christian Bautista at Bela Padilla ang hosts ng grand coronation ng Mutya ng Pilipinas na ginanap sa Solaire Resorts and Casino at mapapanood mamaya ang delayed telecast sa GMA 7 bago ang Sunday All Stars. 

Tatlong titles ang tatangga­pin ng may 30 candidates sa beauty pa­geant: Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific, Mutya ng Pacific International, at Mutya ng Pilipinas Overseas Communities.  Ang mga nanalo ay magri-represent sa bansa sa prestigious International beauty pageants, ang Miss Asia Pacific International, Miss Tourism International, at Miss Tourism Queen of the Year.

vuukle comment

ALESANA MARIE

ANDOY

ANDOY RANAY

BELA PADILLA

CARLA ABELLANA

MUTYA

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with