Mang Inasal, humakot ng award sa 11th Annual Asia-Pacific stevie® awaRDS
MANILA, Philippines — Nakatanggap ang Mang Inasal ng parangal na Silver at tatlong Bronze sa 11th Annual Asia-Pacific Stevie® Awards.
Ang Silver Stevie® ay para sa #MangInasalMOMents Mother’s Day DPR Campaign para sa Innovation nito sa Use of Viral Media/Word of Mouth.
Samantala, ang Bronze Stevie® naman ay parangal para sa #MangInasalAt20 Anniversary Milestone (Innovation in the Use of Social Media), Dwight Howard’s Love for Mang Inasal (Innovation in the Use of Viral Media/Word of Mouth), at Mang Inasal’s Digital and Public Relations Group (Most Innovative Communications Team of the Year).
Nakatanggap ang 2024 Asia-Pacific Stevie® Awards ng mahigit 1,000 nominasyon mula sa 25 bansa at mga lugar. Habang ang Gold, Silver, and Bronze Stevie® Award winners naman ay napagpasyahan sa pamamagitan ng average scores ng mahigit 150 professionals sa buong mundo.
Nakatanggap din ang Mang Inasal ilang buwan ang nakalipas ng tatlong Philippine Quill Awards of Excellence.
Habang ang Mang Inasal Creators’ Circle ay nakatanggap ng Award of Merit sa ilalim ng Communication Skills Division’s Social Media category.
Naiuwi rin ng Mang Inasal ang apat na Gold trophies mula sa 2024 Anvil Awards pati na rin ang one Silver Anvil, at kabilang din ito sa final three nominees para sa Company of the Year.
- Latest