^

Pang Movies

Pelikula ng kilalang loveteam, takot mag-flop

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-aatubili raw ang isang baguhang film producer na ipalabas sa mga sinehan ang ginawang pelikula na pinagbibidahan ng isang breakout loveteam.

Pinagbasehan ng producer ng pelikulang nagawa at naipalabas na ng aktor sa loveteam! Hindi raw ito masyadong tinangkilik ng manonood, huh!

Ang payo sa produ, ipalabas pa rin sa sinehan. Kapag hindi pinasok ng manonood, puwede naman niya itong ibenta sa streaming app at sa TV network na kinabibilangan ng loveteam.

Hindi pa rin kasi malalakas ang pelikulang ipinalalabas sa sinehan at pawang bankable movie stars pa rin ang tinatangkilik ng manonood!

Eddie Garcia Law, pasado na

Matupad kaya ang nakapaloob sa The Eddie Garcia Law na isa nang ganap na batas matapos pirmahan ni President Bongbong Marcos itong nakaraang mga araw?

Umiral pa kaya ang magdamagang shooting o taping ng mga artista at production staff and crew?

Eh ‘yung tinatawag na full contract, half contract at per day? Mang­yari pa kaya ito sa bagong batas para sa movie at TV workers?

May instances na para lang magkatrabaho eh nagbababa ng talent fee. May pumapayag namang baratin para magkatrabaho?

Hintayin na lang ang implementing rules and regulation sa The Eddie Garcia Law at malalaman natin kung ‘yung dating kalakaran eh magpapatuloy pa rin!

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with