^

Pang Movies

K Brosas balak akitin si Goma

TSUPPATID - Letty Celi - Pilipino Star Ngayon

Isa si Ms. Wilma Galvante sa mga top executive ng TV5 ang namili sa tandem nina Richard Gomez at K Brosas na mag-host sa bagong comedy game show na Quiet Please! Bawal ang Maingay. Sa Linggo, August 10 na ang initial telecast, sa ika-8 ng gabi. Tuwang-tuwa si Ms. Galvante dahil sa sobrang pasaway ni K Brosas, taliwas kay Richard na tahimik lang, bagamat nakakapag-crack siya ng jokes na nakakatawa.

At take note super enjoy daw si K Brosas na finally natupad ang dream niya na mapalapit siya kay Richard. Eh, may plano raw siyang i-seduce si Richard noon pa, kaya may time na siya ngayon.

Lahat kasi nang mga bagay na gagawin ng bawat group na sasali, hindi dapat makarinig ng ingay, walang kalansing or walang tunog. Ang host na sina Richard at K ng ay todo-pigil din gumawa ng ingay. Kaya pati paghinga o pag-utot ay hindi dapat pakawalan.

Pero paano mo bubuksan ang canned soft drink nang walang ingay, eh, lumalangitngit ito pagbinubuksan? Paano mo pupunitin ang papel nang walang ingay at paano mo kakainin ang chicharon na nasa bibig mo na hindi lumilikha ng kahit anumang tunog, e, malutong ito?

Sa loob ng 30 seconds na nagawa mo ‘yan ng tahimik at walang ingay, win ka na at ang iyong grupo ng mga malalaking papremyo bukod sa cash money na P30,000.

vuukle comment

BAWAL

ISA

K BROSAS

KAYA

LAHAT

MS. GALVANTE

MS. WILMA GALVANTE

QUIET PLEASE

RICHARD GOMEZ

SA LINGGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with