^

Pang Movies

Marya walang paki kung mas bata at sexy sina Lovi at Alessandra

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi puwedeng tutulug-tulog ang sinumang artistang makakaeksena ni Maricel Soriano dahil tiyak lalamunin sila ng aktres.

Sa Ang Dalawang Mrs. Real, bawal makatulog o antukin ang sinumang nagti-taping dahil malalagay sila sa alanganin kapag umikot na ang kamera.

Kahit mga bata sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi, walang pakialam si Maricel dahil siya ang pinakasalan ni Dingdong Dantes. ‘Yun nga lang, ang problema ay hindi niya mabigyan si Anthony (Dingdong) ng anak, na numero unong target ng mga lalaking nag-aasawa.

Ken hindi type si Joyce

Congrats kay Ken Chan dahil nananalo ito sa FAMAS kamakailan.

Ipalalabas na ang movie nila ni Joyce Ching na may titulong Tadhana. Sa ika-23 ng July ang showing nito na produced ni Randy Mendoza.

Kwento ni Ken, dramatic daw ang role niya rito at malaki ang kanyang pasasalamat sa producer sa pagbibigay ng break sa kanila ni Joyce.

Sa kabilang banda, friends lang daw sila ni Joyce at hindi totoong nagkakamabutihan sila ngayon. Mabait daw si Joyce at wala siyang masasabi sa galing nitong umarte. Gumaganap din sa movie na Tadhana sina Via Velozo at Rajah Montero.

Si Randy Mendoza rin ang producer ng pelikulang Kamandag ni Venus na ipinalabas ilang buwan na ang nakalilipas, bida si Rajah dito kasama sina Leandro Valdemor at Jao Mapa.

Ipalalabas sa SM North Edsa ang unang pagtatambalan nina Ken Chan at Joyce Ching.

Juday ayaw munang magpuyat

Perfect match sina Carla Abellana at Ryan Agoncillo dahil parehong ko­medyante talaga. It’s about time namang magkaroon ng mga artistang maganda at pogi, hindi ‘yung palagi na lang mukhang ewan ang nagpapatawa.

Parehong college graduate at galing sa Buena Pamilya ang dalawa kaya naman malinis ang pagpapatawa nila.

Walang murahang toda max at insultuhan para matawa ang manonood sa kanila.

Hindi na na-convince si Ryan na magbalik bilang host ng Talentadong Pinoy sa TV5, dahil noon nga namang top-rating ang show ay bigla itong tsinugi sa ere.

Samantala halatang gusto na nina Ryan at Judy Ann Santos na magkaroon ng kapatid si Lucho, kaya’t no way muna na magteleserye si Juday. Puyatan kasi ang pagti-taping sa teleserye at matagalan.

Diane kakaiba ang ginawang pelikula

Sa ika-23 ng July, hahatulan ang acting ni Diane Medina na dating alaga ng Star Magic. Binigyan kasi ito ng break ng JMS Films sa pelikulang Edukasyon.

Hindi ito karaniwan sa mga napapanood ngayon - agawan sa lalaki, murahan nang murahan, patayan, at kabaklaan. Istorya ng isang naaaping maestro na gustong makatulong sa mga bata pero napagkaitan ng tulong sa pamahalaan. Kulang sa pansin ang mga guro, magandang panoorin ang naturang movie na directed by Bobby Benitez.                                                         

 

vuukle comment

BOBBY BENITEZ

BUENA PAMILYA

CARLA ABELLANA

DIANE MEDINA

DINGDONG DANTES

IPALALABAS

JOYCE CHING

KEN CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with