^

Pang Movies

Piolo may sampung bahay na?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Very much stable na ang estado ng buhay ngayon ni Piolo Pascual kaya naman hindi kataka-takang pinag-iisipan na niya ang pagreretiro.

Handang-handa na siya kung baga, if and when the time comes na talagang lilisanin na niya ang mundo ng showbiz. Pati ang fallback niya ay naka-ready na dahil noon pa pala ay nag-invest na siya sa negosyo.

Piolo is into real estate noon pa. Ito raw ang ibinigay na advice sa kanya noon ni Star for All Seasons Vilma Santos nang nagkasama sila sa Dekada 70.

“That’s the best piece of advice that I got, you know, coming from someone who’s been in the business for decades, it was apt for me to ask her, you know, what I can do, to make my money work for me and that’s what she said, invest in real estate, that’s what safer.

“So, ever since po, ‘yun na ‘yung pinasukan ko. So everytime I get something, you know, we buy or we acquire property,” say ni Piolo sa presscon ng Hawak Kamay.

Is it true na may 10 houses siya in Manila?

Napatawa si Piolo. “Hindi naman po. Lagot ako sa BIR, huwag naman. May family business po kami. Nakatira nga lang ako sa condo, bigay lang sa akin ng Century Properties, so roon ako nakatira. I didn’t even buy the house, it was part of the deal that I got from them so, okay naman po, steady naman.”

Ayaw sabihin ni Piolo kung ilan lahat ang kanyang properties pero since nasa real estate na pala, we can assume na medyo marami-rami na siyang na-invest.

Ayon pa kay Piolo, sa tinatagal-tagal daw niya sa business, wala na raw siyang ginawa kundi mag-save at mag-invest. Kaya naman kahit magretiro siya ay mabubuhay siya nang maayos bukod pa nga sa marami pa naman daw siyang pwedeng gawin outside of show business.

 “So, one of the reasons why I could quit is I wanna devote my time to these businesses na pinasukan ko through the years. Kailangan din ka­sing tutukan. So, it’s just my sister doing everything on my behalf and it’d be nice if I can be present also sa mga negotiations or mga dealings namin,” say pa ni Papa P.

Biniro rin siya kung wala ba siyang balak bumili ng shares sa ABS-CBN network at sey niya ay wala naman daw.

 “Masyado na akong blessed sa ibinigay sa akin ng ABS-CBN. So, I think, ang pinakamagandang regalo na maibigay ko na lang sa ABS, and you can quote me on this, is that I started with ABS, and I’ll end my career with ABS,” pahayag ng bida ng Hawak Kamay.

Ikaw Lamang, naghakot sa Yahoo! Celebrity Awards

Big winner ang teleseryeng Ikaw Lamang pati na ang mga stars nito sa katatapos lamang na Yahoo! Celebrity Awards na ginanap last Friday, dahil sa apat na awards na tinanggap nito.

Si Coco Martin ang nanalong Actor of the Year habang ang leading lady niyang si Kim Chiu ang itinanghal na Actress of the Year para sa nasabing teleserye.

Ang Ikaw Lamang din ang nanalong Teleserye of the Year at si Jake Cuenca naman ang Male Kontrabida of the Year.

Si Kim din ang nanalong Celebrity of the Year.

Samantala, malapit nang pumasok sa book 2 ang Ikaw Lamang kung saan ay makakasama nga nina Coco at Kim si KC Concepcion kaya abangan.

 

 

vuukle comment

ACTOR OF THE YEAR

ACTRESS OF THE YEAR

ALL SEASONS VILMA SANTOS

ANG IKAW LAMANG

CELEBRITY AWARDS

HAWAK KAMAY

IKAW LAMANG

NAMAN

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with