^

Pang Movies

Sef type na type ang malaking boobs ni Andrea

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Malakas ang appeal kay Sef Cadayona ng mga babaeng malalaki ang boobs at puwet bukod pa sa gusto niya rin dapat ay mahaba ang pasensiya sa tulad niyang makulit at kenkoy.

Pero higit sa lahat, ang pinakahahanap niyang babae ay makakasundo ang nanay niya. Nag-iisa kasing anak si Sef, kaya super close at iba ang bonding niya sa kanyang mama.

Dahil nga solong anak, gusto niyang magkaroon ng malaking pamilya balang araw. 

Kaya rin siguro swak sila ni Andrea Torres na bukod sa close ang aktres sa mommy nito ay pareho rin silang family oriented ni Sef.

Tulad ni Sef, inuna muna nito ang makapag-invest sa house nila at makabili ng kotse para sa pamilya niya.

Si Sef, target din niyang magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang future family.

Samantala, iniingatan naman ni Sef ang kanyang collection ng jacket ni Michael Jackson na may pirma pa ng international singer. Galing ito sa isang auction company sa U.S. kung saan ang isa sa investor ay tita niya na ibinigay sa kanya nang malamang nagko-collect siya ng memorabilia ng prince of pop.

Nadagdagan din ang kanyang walong gitara at isinama niya ang yukelele na gina-gamit niya sa Bubble Gang bigay ni Michael V. Hindi rin niya malimutan ang classical guitar na 36 years old na, regalo naman ito ni Jimmy Santos sa kanya.

Naka-focus ang career ni Sef sa pagpapatawa kahit puwede naman talaga siyang maging singer.

Regalo ni Arnold hinihintay nina Joshua at Jopay

Hanggang ngayon ay hinihintay ng bagong kasal na sina Joshua Zamora at Jopay Paguia ang pangakong regalo ni Arnold Clavio na cruise para sa kanilang honeymoon.

Kahit daw sa Asia lang sila mag-ikot ay ayos na sa kanila.

Nag-umpisa lang sa biruan ang nasabing regalo ni Arnold nang mag-guest ang bagong mag-asawa sa show ni Arnold sa GMA News TV.

Dalawang taon man silang naghiwalay, sa kasalan pa rin natapos ang kanilang relasyon.

Samantala magiging busy si Joshua dahil kasama siya sa cast ng Ang Lihim ni Annasandra, ang sinisimulang aswang-serye ng GMA 7 na blessing daw dahil may trabaho agad siyang aatupagin. 

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ARNOLD CLAVIO

BUBBLE GANG

JIMMY SANTOS

JOPAY PAGUIA

JOSHUA ZAMORA

NIYA

SEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with