^

Pang Movies

My Destiny at Marian humataw

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatiling matatag sa Urban Luzon at Mega Manila ang GMA Network matapos itong muling manguna sa TV ratings noong Hunyo, ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.

Mas maraming programa rin mula sa GMA ang nasa listahan sa Urban Luzon (18 out of 30) at maging sa Mega Manila (20 out of 30). Agad na pumasok sa listahan ng top programs sa Urban Luzon at Mega Manila ang mga bagong show ng Kapuso Network kabilang ang My Destiny, Marian, Ang Dalawang Mrs. Real, at Ismol Family.

Kasama rin sa parehong listahan ang Magpakailanman, Kapuso Mo, Jessica Soho, 24 Oras, My Love from the Star, Celebrity Bluff, at Niño.

 Mula June 1 to 30 (kung saan base sa overnight data ang June 26 to 30), nakapagtala ang GMA ng 34.5% total day household audience share.

Napanatili rin ng GMA ang malakas nitong performance sa Mega Manila mula sa nakuha nitong 35.9% household audience share.

Ang Urban Luzon at Mega Manila ay kumakatawan sa 77% at 60% ng kabuuang urban TV households sa buong bansa.

Samantala, kinuha rin ng GMA ang afternoon block sa over-all NUTAM kung saan nakapagtala ito ng 33.5%.

Bamboo, mapapaiyak sa pagpili ng kanyang final 2

Hindi lang ang Kamp Kawayan artists ang haharap sa matinding pressure sa Battle Rounds at Sing-Offs sa The Voice Kids, dahil pati ang coach nilang si Bamboo ay mapapaluha rin dala ng emosyon at hirap sa pagpili ng kanyang Final 2 artists. 

Bago bitawan ni Bamboo ang mabigat na desisyong ito sa Sing-Offs ngayong Linggo (Hulyo 6), tutungtong muna ang kanyang 18 na young artists sa pinakasikat na rin sa bansa sa pagpapatuloy ng umaatikabong Battle Rounds. 

Huwag palampasin ang banggaan nina Julienne, Juan Karlos, at Maite sa kantang A Thousand Years; Katherine, Stacy, at Arianna sa Ain’t No Mountain High Enough; Edera, Allina, at Borge sa The Scientist; Douglas, Junmark, at Nathan sa I Don’t Wanna Miss a Thing; Rommel, Zack, at Gem sa I’ll Be There; at Natsumi, Edray, at Grazz sa Breakaway.

Kaninong pangarap ang matitirang matibay? Sino ang dalawang artists ang magtatayo ng bandera ng Kamp Kawayan at patuloy na lalaban sa live Semi-Finals kasama sina Darlene at Tonton ng Team Lea?

 

vuukle comment

A THOUSAND YEARS

ANG URBAN LUZON

AUDIENCE MEASUREMENT

BATTLE ROUNDS

BE THERE

CELEBRITY BLUFF

KAMP KAWAYAN

MEGA MANILA

URBAN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with