^

Pang Movies

Mona Louise lamb chop ang nilalantakan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hanep talaga ang mga bagets ngayon tulad halimbawa ni Mona Louise Rey. Imagine nine years old pa lang ito pero ang dami na niyang gustong gawin sa buhay.   

Plano ni Mona kapag lumaki raw siyang matangkad, gusto niyang sumali sa Miss World o Miss Universe tulad ni Megan Young at type ng bagets na magmodelo rin balang araw. Gusto rin niyang maging fashion designer. Basta raw mag-i-enroll siya sa isang international school.  Nagmo-model na siya ngayon para sa isang brand ng shoes at damit na pambata  kaya na-curious siya sa mga fashion model.

Type rin niyang sundan ang yapak ni Marian Ri­vera, kasi raw lahat-lahat nagagawa nito. Puwede raw kasi ito sa dancing at umarte, gandang-ganda rin siya sa mga billboards ng aktres. Pero ayaw niyang maging doktor kasi nahahabaan siya sa training dahil tatanda na raw siya ay hindi pa siya matatapos mag-aral sa ganung kurso.

Hilig din niyang mag-collect ng mga Barbie dolls at Hello Kitty items kahit unan basta may tatak ng nasabing karakter. Mahilig din siyang kumain lalo na ang lamb chop with matching paborito niyang sauce na mas masarap pa raw kaysa sa chicken.

Muslim kasi si Mona, na hindi kumakain ng karne tulad ng Arabo niyang father na hindi niya mababati ngayon ng Father’s Day dahil hiwalay na ito sa mommy niya.

Okey naman daw sila ng mommy niya kasama ang alaskador niyang kuya na si Hashim na lagi raw siyang inaasar. Pero love na love niya ang big brother niyang 20 years old na. Meron pa siyang Ate Maria na 17 years old at isa pa niyang sister na 21 years old na nasa abroad.

Hindi naman daw siya nahihirapan sa palabas nila ni Jillian Ward na My BFF ng GMA 7 dahil para lang silang naglalaro. Mapapahiya ang ibang artista kay Mona dahil pinagsasabay din nito ang kanyang schooling kung saan Grade 5 na ito ngayon.

Gerald Santos nangahas pagsamahin sa concert ang nasirang La Diva

Paano kaya nakumbinsi ni Gerald Santos sina Jonalyn Viray, Maricris, at Aicelle Santos na mapagsama-sama sa concert ng male singer sa June 28 sa Skydome North Edsa.

Katwiran ni Gerald reunion daw kasi ito ng Pinoy Pop Star kung saan produkto sila ng nasabing contest ng GMA 7. Kasama rin sa concert si Harry Bernan at bonus pa niyang guest si Faith Cuneta.

Siguro namang hindi magkakasama sa iisang production ang tatlong member  ng dating La Diva or else mag-iisnaban na naman sila.

Samantala nagbago ng image si Gerald dahil nagpalaki na rin ito ng katawan para raw hindi siya mapagkamalang totoy pa rin.  Hinihintay naman ni Gerald ang promise ni Nora Aunor na ipro-produce siya nito ng indie film dahil gusto raw i-revive ni Ate Guy ang pag-produce ng mga pelikula.

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ATE GUY

ATE MARIA

FAITH CUNETA

GERALD SANTOS

LA DIVA

NIYANG

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with