^

Pang Movies

Bitbit ang regalo, Derek na-pneumonia, gulat nang dumalaw si Kris

- Vinia Vivar - Pang-masa

May bago na namang statement si Kris Aquino tungkol sa kanyang love life. Matapos maudlot ang nagsisimula pa lang sanang pagkakamabutihan nila ni QC Mayor Herbert Bautista, heto’t may pahiwatig na naman ng bagong pag-ibig ang TV host.  

Last Sunday sa The Buzz ay natanong siya ni Toni Gonzaga kung sino ang nagpapasaya sa kanya.

Sagot ni Kris, “Sinabi ko rin kagabi, ‘di ba? Bumabalik ako rito (sa The Buzz) na mas matalino na, mas marami ng pinagdaanan, mas mature na. So, kung sino man ang nagpapaligaya sa akin, itatago ko na lang siya sa loob ng puso ko.”

So, mukhang meron na naman, ‘di ba?

Bale ba ay pinag-uusapan din ngayon ang pag­dalaw niya kay Derek Ramsay sa hospital kung saan naka-confine ang aktor dahil sa pneumonia.

Sa Instagram account ni Derek ay nag-thank you siya kay Kris sa pagdalaw nito with matching gift.

 â€œThank you so much @krisaquino214 for visiting and for the gift. It was very sweet of you. You and my folks surprised me,” ang post ni Derek sa IG niya.

Para naman mag-effort pa si Kris at isingit sa kanyang hectic schedule ang pagdalaw sa hospital, Derek must be someone very special to her, ‘di ba naman?

Samantala, nanghihinayang man si Kris na hindi matutuloy ang movie nila ni Derek, wala naman siyang magagawa dahil hindi nga pumayang ang kanyang boss na si Cory Vidanes.

Ang dahilan ay may gagawin kasi si Kris na horror movie sa Star Cinema, ang part 2 ng Feng Shui na matatandaang pinagbidahan din niya ang part 1.

Intended for Metro Manila Film Festival 2014 ang movie na ididirihe ni Chito Roño.

Sa nasabing pelikula ay makakasama ni Kris si Coco Martin. Dati na silang nagkatrabaho sa Kung Tayo’y Magkakalayo serye at first time naman nila ito sa big screen.

Panunulak sa pool ni Ogie kinabubuwisitan ng fans

Ang lakas pala ng impact sa audience ng eksena ni Ogie Diaz and Anne Curtis kung saan ay itinulak ng una ang huli sa swimming pool at sa dagat sa fantaseryeng Dyesebel.

Mismong ang Dreamscape Productions head na si Deo T. Endrinal ang nagsabing ang taas daw ng ratings ng Dyesebel that night.

At pati pala ang mga fans ni Anne ay galit na galit sa ginawa ni Ogie sa kanilang idolo kaya katakut-takot na “violent reactions” ang natanggap niya mula sa mga ito.

Of course, this is flattering for Ogie dahil ibig sabihin, effective ang role niya. Kaya nga wish niya, sana raw ay magkaroon pa ulit ng mga ganun’g eksena.

Pero ayaw naman daw niya ng sobrang kontra­bida dahil mawawala raw sa linya ang karakter niya. Sa kwento kasi ay hindi naman siya ganu’n kasama at siya pa ang laging nagpapayo kay Zsa Zsa Padilla kapag nagiging sobrang sama na nito.

Biro naman ni Sir Deo, at least daw ay alam ni Ogie ang kanyang karakter sa kabila ng naglalagare ito between Dyesebel and Maybe This Time movie nila nina Coco Martin and Sarah Geronimo.

vuukle comment

CHITO RO

COCO MARTIN

COCO MARTIN AND SARAH GERONIMO

CORY VIDANES

DEO T

DEREK

NAMAN

NIYA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with