^

Pang Movies

Ellen nanghihinayang sa Da Possessed

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Dapat si Ellen Adarna ang leading lady ni Vhong Navarro sa movie na Da Possessed ng Star Cinema, pero hindi nga ito natuloy dahil sa kaibigan daw ito ni Cedric Lee, ang leader ng mga nambugbog sa actor-TV host, na mga wanted na sa kasalukuyan.

Kung totoo raw ang kuwento, hindi naman daw nagagalit si Ellen at nauunawaan niya kung bakit siya tinanggal sa said movie. Saka nagkataon na busy na rin siya sa taping ng Moon of Desire. Wala siyang sama ng loob at desisyon daw iyon ng production at hindi ni Vhong. Samantala, super-patok ngayon ng Da Possessed.

Pero I’m sure deep inside, nanghihinayang si Ellen.

Lorna, susunod na rin kayang magpakasal uli?

Muling magpapakasal ang respetadong aktres at chariman ng Mowelfund na si Boots Anson-Roa sa isang well respected lawyer, si Atty. King Rodrigo. Pareho silang balo ng nasabing lawyer, si Boots sa dating asawang TV host na si Pete Roa na ilang taon nang namayapa.

Aba, si Zsa Zsa Padilla, isang handsome architect naman ang nakatakdang maging kapilas ng buhay. Papayag ba ang pinsan ni Zsa Zsa na si Lorna Tolentino na masayang-masaya sa nalalapit na kasal nito.

Well, may karapatan naman silang muling umibig at magpakasal. Hindi man sila puwede nang magkaanak, at least mayroon silang makakasama sa buhay sa kanilang pag-iisa at pagtanda. Magaganda naman sila kaya sino naman ang hindi makikiliti at hindi titibok ang puso. Hindi pa naman huli ang lahat para buksan nilang muli ang kanilang puso sa bagong mga lalaking dumarating sa buhay nila.

Mga shows ng TV5 palaban!

Ang lakas ng hatak ng Face the People ng TV5 na lagi nating napapanood tuwing 4:30 ng hapon. Masyadong mabili ang mga host na sina Tintin Babao at Gelli de Belen. Pareho raw palaban pero mas palengkera si Gelli. After the show, hindi rin matatawaran ang mga TV news ng Tulfo Brothers na sina Erwin, Raffy, at Ben, ang T3. Ganoon din ang Aksyon with Cheryl Cosim.

Matindi ‘yung mga personal na nagpupunta sa programa para magsumbong ng mga problema nila. Si Ben at ang Bitag, baka magbago ng oras sabi nila.

vuukle comment

BOOTS ANSON-ROA

CHERYL COSIM

DA POSSESSED

FACE THE PEOPLE

GELLI

KING RODRIGO

LORNA TOLENTINO

MOON OF DESIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with