^

Pang Movies

Sequel ng Captain America mas pasabog

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Isang higanteng pelikula ang sequel ng Captain America na tinatawag ngayong The Winter Soldier. Higit pa kasi ito sa naunang pelikulang pinagbibidahan ni Chris Evans. Nakahigit sa istorya, dami ng action scenes, galing ng visual effects, lalim ng mga nagkontrabida, at tagal ng exposure ng mga sumusuportang sina Scarlett Johansson, Anthony Mackie, at Samuel L. Jackson.

Bata at matanda maaaliw sa sequel lalo na at kung sa 3D cinema ito palabas. Pero mas maganda kung hindi sobrang bata ng manonood dahil malalim ang iniikutan ng problema ng kontrabidang si Robert Redford. Nakakagulat ang pagbabalik-pelikula niya at napaka-evil pa.

High-tech ding masyado ang Captain America kaya mas maa-appreciate ito ng mga teenager pataas kesa mga bubuwit na baka mag-ingay lang din naman sa loob ng sinehan at makaistorbo pa.

Ang isa pang nakakatakot na kinuhang kalaban ni Captain America/Steve Rogers (Chris) ay si Sebastian Stan. Siya ang mala-freak na Winter Soldier pero dating mabait na kaibigan ni Steve noong sundalo pa lang sila. Kaya sa ending ng pelikula ay ipinakitang tahimik lang siyang lumayo matapos na iligtas niya ang bida. Ang ibig sabihin ay maaari pa siyang lumabas sa iba pang franchise ng Captain America o kahit ng The Avengers.

Nakakainis lang na parang may bad hair day si Sebastian sa kanyang mga eksena.

Kabaliktaran siya ni Maria Hill (Cobie Smulders), ang matapat na sundalo sa ilalim ni Nick Fury (Samuel), dahil plantsadung-plantsado ang kanyang buhok. At ganun din ang sundalong loyal kay Alexander Pierce (Robert) na si Brock Rumlow (Frank Grillo). Parang naka-gel pa lagi kaya hindi nagugulo ang ayos kahit nakikipagbugbugan na.

Sa mga mag-aabang ng mga bakbakan, pinakamaganda ang kina Captain America, Winter Soldier, Brock, Falcon (Anthony), at Black Widow (Scarlett). Parang mararamdaman na ng manonood ang mga suntukan at barilan sa screen. Siyempre dahil 3D nga.

Nakakalulala rin ang matataas na building at paglipad-lipad nina Falcon at Captain America. At ilang beses pa silang inihagis-hagis sa ere.

Sa fans ng Marvel Comics superhero na ito, hindi kayo mabibigo sa ikalawang pelikula ng Captain America kahit pa masakit sa bulsa ang presyo ng 3D film.

*  *  *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALEXANDER PIERCE

AMERICA

ANTHONY MACKIE

BLACK WIDOW

BROCK RUMLOW

CAPTAIN

CAPTAIN AMERICA

CHRIS EVANS

WINTER SOLDIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with