^

Pang Movies

AiAi mamimigay na naman ng sports car

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kanino naman kaya balak iregalo ni AiAi Delas Alas ang plano niyang bilhing Toyota FT 1 sports car na ipinost nito sa kanyang instagram account na pagkaswabe-swabeng ganda ng kotse.

Naku sana nga ay pansariling gamit ang iniisip ni AiAi sa pagkagara-garang kotse or else, nakakahinayang kung ipamimigay niya lang ito sa magiging dyowa niya.

Geoff hindi na kasama sa bonding ng pamilya ni Carla

Ibang twist naman ang ginagawang project nina Carla Abella at Tom Rodriguez sa pelikulang Let’s Take a Chance ng Regal Entertainment na this time ay malayo raw sa pagiging martir na character niya sa My Husband’s Lover ng GMA 7.

Kung dati kahit inaapi siya sa MHL ay lagi pa rin siyang nakapostura, ngayon ay waley class daw ang kanyang image at lumabas daw ang pagiging jologs niya na nilaro lang niya ang role kaya na-enjoy niya ang mga eksena.

Madali naman nakapag-adjust si Carla mula sa heavy drama ng MHL at sa movie nila ni Tom dahil inilabas niya ang kanyang kakengkayan na patunay ang best actress award na ipinagkaloob sa kanyang ng Star Awards for TV ng ENPress kamakailan.

Samantala plano ni Carla na makipag-bonding sa kanyang pamilya ngayong Holy Week. Matagal na raw nilang plano ito. Hindi niya binanggit na kasama si Geoff Eigenmann sa kanilang lakad ng kanyang pamilya.

Rodjun marunong lumingon sa pinanggalingan

Thankful si Rodjun Cruz dahil hindi siya nawawalan ng project sa GMA 7 mula nang lumipat siya sa Kapuso Network.

Bukod sa napansin pa ang kanyang acting sa last series ng My Husband’s Lover, isinama pa siya sa Sunday All Stars kung saan binigyan din siya ng chance na ipakita ang hilig niya sa sayaw.

Ngayon kasali pa siya sa mga bigating cast ng Dalawang Mrs. Real na bida sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano. Sobra-sobrang blessings daw ito dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya sa network.

Hindi naman siya nakakalimot sa ABS-CBN dahil ito raw ang nag-mold sa kanyang talent - marunong naman daw siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan network.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLA

DINGDONG DANTES

GEOFF EIGENMANN

HOLY WEEK

KANYANG

KAPUSO NETWORK

LOVI POE

MY HUSBAND

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with