^

Pang Movies

Rep. Lucy tuloy ang pagsagip sa Ormoc sa tulong ng mga pribadong tao

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pagkatapos nang isinagawa nilang rescue and relief operations, ngayon naman ay ang rehabilitation ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda sa Ormoc, Leyte ang hinaharap ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez, kasama na rin ng kanyang asawang si Richard Gomez. Kahit na nga hindi siya na­nalong mayor ng Ormoc, hindi naman matalikuran ni Goma ang mga itinuturing na niyang kababayan. Paano nga ba niya magagawa iyon eh practically doon naman sila nakatira talaga?

Kahit na nga iyong mismong bahay nila ay nasira rin ng bagyo at nawasak pati ang mga sasakyan nilang nasa garahe na nadaganan ng bumagsak nilang bubong at ng mga puno, inuna pa rin nila ang pagtulong. Sakay lamang ng isang motorsiklo dahil nasira nga ang lahat ng sasakyan nila, inikot nila ang buong Ormoc at gumawa ng paraan para matulungan ang mga mamamayan doon.

Ngayon naman sa tulong ng Bench, tutulungan nilang makabangon ang mga mangingisda sa Ormoc sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng bangka na magagamit nila sa kanilang muling pangingisda. Sabi nga ni Rep. Lucy, simula lang iyon dahil para sa mga mangingisda lang iyon. May gagawin din naman silang iba pang proyekto para sa iba na may iba namang hanapbuhay.

Alam naman kasi natin ang Bench, ang kauna-unahan nilang image model ay si Richard Gomez, at kahit na ngayon na marami na rin silang nakuhang international endor­sers, nananatili pa ring model nila si Goma, ganoon din si Lucy at ang anak nilang si Juliana. Matibay nga ang samahan nila, dahil sinasabi nga ni Ben Chan, na si Goma naman talaga ang nagsimula sa kanila, at doon nakilalang una at lumaki ang Bench.

Nakakatuwa ang mga ganyan, na may mga taong nag-iisip kung ano ang ikabubuti ng kanilang kapwa, lalo na nga ang mga biktima ng kalamidad. Hindi kagaya ng iba na hindi na nga nakakatulong on their own, lumalabas pang pinagkakaperahan ang mga proyekto para sa mga biktima ng kalamidad. Nakakahiya ang mga gano’ng klaseng tao.

Pero tingnan ninyo ang ginagawa ni Lucy, mga tao at kumpanyang pribado na kanilang mga kaibigan ang siyang kumikilos. Hindi na pera ng gobyerno iyon pero inilalaan nila sa pagtulong.

Miss Bikini contest kinontra ang sinabi ni Roxanne

Mukha ngang hindi lamang luma­labo, at lalong nakalilito ang kasong isinampa ng aspiring beauty queen na si Roxanne Cabañero Acosta laban kay Vhong Navarro, dahil ngayon, pati iyong mga abogado noong sinalihan niyang Miss Bikini ay nagbigay na ng statement na wala sa Pasig ang mga candidate ng kanilang contest noong Abril 24, 2010.

Kung sabagay, sinabi na ng kanyang abogado na hindi naman nila sinabing Abril 24, 2010 naganap ang panghahalay, kung hindi noong mga huling araw ng buwang iyon noong 2010. Ganoon pa man, nakakalabo na nga iyan sa statement na unang lumabas.

Sharon naghabol pa ng Valentine gift

Bago nga pala ang lahat, noong isang araw ay nakatanggap pa kami ng isang Valentine gift mula sa Megastar na si Sharon Cuneta. Talagang si Sharon ay laging nakakaalala sa bawat okasyon. Hindi mahalaga iyong regalo eh, kundi iyong naaalala ka ng mga itinuturing mong kaibigan.

Hindi gaya ng iba na kaibigan ka lang kung may kailangan at kung nakakaramdam ng insecurity.

 

vuukle comment

ABRIL

GOMA

MISS BIKINI

NILA

ORMOC

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with