^

Pang Movies

Piolo pinanabikan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - In fairness kay Piolo Pascual, say ng mga tagahanga, matagal din silang nanabik sa aktor kaya’t natuwa sila na bumongga ang ac­ting ng kanilang idolo at pati na ang resulta sa takilya ng bago nitong pelikulang Starting Over Again. Meaning, hindi dahil komo’t Toni Gonzaga ang kapareha ay ganun na ito kalakas bumenta sa mga sinehan.

Sabi nga ng isang tagahanga, subukan kayang ibang lalaki ang ipareha kay Toni, ganun din kaya ang magiging resulta? Maliban kay John Lloyd Cruz ha?

Alex Tinsay magkaka-pelikula na

May premiere night sa Cuneta Astrodome sa Feb. 28 ang pelikulang Alibughang Anak sa ganap na ika-alas kuwatro ng hapon, ayon kay Nonoy Saron na publicist ng naturang pelikula.

Tampok daw dito sina Alex Tinsay, Lucita Soriano, Pichie de Corse, at Poldan Aquino.

Si Alex ay dating GMA 7 broadcaster na ngayon ay aktibo na sa 700 Club Ministry.

Rochelle nasisindak kay Direk Laurice

Malaki ang pasasalamat ni Sexbomb girl Rochelle Pangilinan sa break na ibinigay ng nanay-nanayan niyang si Joy Cancio dahil mula sa Daisy Siete ay dumami na ang kanyang TV projects at nahasa pa siya.

Ngayon, sa Carmela, hindi na halos kinakabahan si Rochelle kahit kaeksena niya sina Marian Rivera, Jaclyn Jose, Roi Vinzon, at kahit ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen.

Pero inaamin ni Rochelle na paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ang konting sindak niya sa aktingan kapag si Laurice ang kaeksena.

                               


 

vuukle comment

ALEX TINSAY

ALIBUGHANG ANAK

CLUB MINISTRY

CUNETA ASTRODOME

DAISY SIETE

DIREK LAURICE

JACLYN JOSE

JOHN LLOYD CRUZ

JOY CANCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with