^

Pang Movies

Dahil sa alipunga, baguhang young actor umaalingasaw sa baho ang mga paa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naging usap-usapan nga sa isang grupo ng mga young actors ngayon ang kakaibang amoy ng paa ng isang baguhang young actor.

Guwapo, matangkad, at inglesero ang young actor na ito. Malinis naman sa katawan pero hindi nila akalain na saksakan ng baho ang mga paa nito. In short, may alipunga pala!

Kapapasok lang ng aktor sa showbiz at dahil malakas ang dating, kaagad siyang nagkaroon ng maraming fans.

Ma-PR din ang baguhang young actor kaya mabilis itong nagkaroon ng maraming kaibigan. Bukod sa marunong makisama, galante pa at mapagbigay sa kanyang mga fans ang aktor.

Minsan daw sa isang charity basketball game nila out-of-town ay isinama nila ang baguhang young actor dahil balita nila na magaling daw ito sa basketball. Hindi naman sila nagkamali dahil varsity pala ito sa kanilang school.

Naglaro ang grupo ng basketball ng ilang oras para aliwin ang mga fans nila at nang matapos ay sabay-sabay silang pumasok sa locker room para makapag-shower.

Nang nagtatanggal na ng mga suot nila ang grupo, biglang may mabahong amoy na umalingasaw sa loob ng locker room. Amoy patay na daga raw na nakakasuka. Hinanap daw nila kung saan nanggagaling at nasundan nila iyon sa gym socks ng young actor na nakasabit sa locker door nito.

Buti na lang at nasa shower na ang baguhang young actor at hindi nito nakikita ang mga nangyayari sa locker room.

Nilayuan nga ng grupo ang locker door nito dahil sobrang lakas ng kabahuan nito.

Lumipat sila sa kabilang side kung saan may air vent na nakatulong para hindi nila maamoy ang mabahong medyas nito. Para hindi mahalata ay sabay-sabay na silang nag-shower nang maramdaman nilang papalabas na ang baguhang young actor.

Nang magharap-harap ulit sila para kumain sa isang restaurant, naaamoy pa rin ng grupo ang mabahong amoy. Naka-flip-flops lang daw kasi ito at nakadekuwatro pa. Kaya walang choice ang grupo kundi magyosi para malabanan nila ang amoy ng paa ni baguhang young actor.

Hindi naman daw nila puwedeng pagsabihan ito dahil baka ma-offend. Kaya pinapraktis na lang nilang tiisin ang amoy ng mga paa nito.

Ngayon nga ay naging bongga ang career ng baguhang young actor at may sponsor na ito na skin clinic. Siguro naman daw ay nagawan na nito ng paraan para mawala ang mabahong amoy ng mga paa niya.

Pelikula nila Jericho naka-A

Nakakuha ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board ang pelikulang ABNKKBSNPLAko (Aba Nakakabasa Na Pala Ako)?! The Movie kung saan bida si Jericho Rosales.

Base sa best-selling book ni Bob Ong ang naturang pelikula at idinirek ni Mark Meily. Kasama rin sa cast sina Vandolph Quizon, Meg Imperial, and Andi Eigenmann.

Na-inspire kay Ellen Page sa pag-aming tomboy, Michael Sam ng NFL umamin na ring bading!

Umamin na nga ang Hollywood actress na si Ellen Page na siya ay isang lesbian.

Nakilala si Ellen dahil sa kanyang breakthrough performance sa pelikulang Juno noong 2008 na tungkol sa teen pregnancy. Na-nominate pa nga for best actress sa Oscar si Ellen.

Bukod sa Juno, lumabas din siya sa mga box-office hit films na Inception and X-Men; The Last Stand.

Nag-out si Ellen sa isang Las Vegas conference for gay teens.

“I am tired of hiding and I am tired of lying by omission,” sey pa ng 26-year old actress sa Time to Thrive conference na isang Human Rights Campaign.

“I’m here today because I am gay. And because… maybe I can make a difference. To help others have an easier and more hopeful time. Regardless, for me, I feel a personal obligation and a social responsibility.”

Ayon pa sa aktres na kaya ngayon lang siya umamin sa kanyang pagiging lesbian ay dahil takot siya noong isiwalat sa publiko ang katotohanan.

Dahil sa pag-amin na ito ni Ellen, marami ang na-inspire sa kanya tulad na lang ng star athlete ng National Football League na si Michael Sam na umamin na rin na siya ay isang gay.

vuukle comment

ABA NAKAKABASA NA PALA AKO

ACTOR

DAHIL

ELLEN PAGE

ISANG

MICHAEL SAM

NILA

NITO

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with