^

Pang Movies

Hindi sanay Toni hirap na hirap himasin si John, nakakailang take!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Toni Gonzaga na hanggang ngayon ay madalas pa rin silang mag-reshoot ng mga sweetie scenes nila ni John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home dahil nga hindi nga raw siya sanay sa mga ganitong eksena and for one, hindi pa naman daw niya talaga nararanasan ang buhay may-asawa.

“Nakakaulit-ulit talaga kami ng take, alam ni Direk Bobot (Mortiz) ‘yan. Dahil sa akin. Ako talaga ang problema sa lahat. Kasi hindi po talaga ako sanay sa mga ganun’g eksena na may asawa ka.

“Iba pala talaga ‘yung mag-boyfriend and mag-girlfriend at iba ang mag-asawa kung paano sila maghimasan, kung paano sila magdikit sa isa’t isa. Kung paano kayo maging sweet sa isa’t isa. Mas may license na kasi ang may asawa.

“Eh siyempre, hindi ko pa naman tunay na nararamdaman ‘yung ganun’g may lisensiya ka sa isang tao, na pag-aari mo na siya, na lahat sa iyo. So, ‘yun, medyo nahihirapan talaga kami do’n. Naga-adjust ako,” she said.

Ang nagga-guide nga raw sa kanya ay ang boss pa nilang si Linggit Tan dahil nga alam daw nito ang pakiramdam ng may asawa.

“Pag hindi siya (Linggit) nakukuntento, ite-take-two talaga, take 3 hanggang sa ma-convince siya na mukha na kaming may-asawa,” kuwento ni Toni.

Pero lately ay nakakapag-adjust na rin daw siya sa kahihimas ni LLoydie sa kanya. Nahimas na raw ng aktor ang lahat kaya himas na himas na raw siya.

Sa kwento ng Home Sweetie Home ay parating hindi natutuloy ang pagla-lovemaking nina Romeo and Julie (LLoydie and Toni) dahil maraming istorbo. Sa nakaraang episode last Sunday ay ipinakitang nag-motel sila at akala namin ay matutuloy na rin ang pagse-sex nila pero hindi pa rin dahil nasunog ang motel.

Kris tameme sa love life

Si Kris Aquino na mismo ang nag-announce na magkikita ang mag-amang James and Bimby Yap ngayong Feb. 15 na birthday mismo ng basketbolista.

“Sa birthday ni James, they suppose to have merienda as per Ms. Precious, ‘yung social worker namin, si Kuya (Joshua) at si Bimb, magmi-meet up with James to have merienda,” say ni Kris in a TV interview.

Magkasunod lang ang birthday nina Kris and James. Feb. 14 naman ang Queen of All Media kaya natanong kung sino ang ka-date niya sa kaarawan niya na Va­lentine’s Day din.

Say ni Kris ay trabaho pa rin daw dahil nga may show sila ni Boy Abunda, ang Aquino and Abunda Tonight na nagsimula na kagabi, Monday.

When asked about her love life, ayaw daw niyang sagutin ang bagay na ito.

“Regalo ko sa sarili ko to not answer it. Ayokong ma-misinterpret na parang si Kim Chiu, ha? I love Kim pero gagayahin ko siya.

“Ang utang ko sa inyo, magandang trabaho. Pero ang utang na explanation, para kay Bimb and kay Josh,” say niya.

        

 

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BIMB

BOY ABUNDA

DIREK BOBOT

FEB

HOME SWEETIE HOME

JAMES AND BIMBY YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with