^

Pang Movies

Female celeb na nakatikim ng instant fame, pumapatol sa P.A.

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Power-tripping-to-the-max ang female celebrity na ito na kahit ang simpleng empleyado ng isang TV network ay pinakitaan niya ng hindi magandang pag-uugali niya.

Kuwento ng aming source na dahil lang sa pagkakamaling pagpasok sa dressing room ng female celebrity nagsimula ang lahat at doon nga nakita kung gaano naging isang “monster” ang female celebrity na ito na nakatikim ng instant fame.

Hindi naman daw sinasadyang pumasok ng isang P.A. or production assistant sa dressing room ng female celebrity. Wala raw kasing nakalagay na pangalan niya sa pinto at hindi ito naka-lock. Magtsa-charge lang sana ng kanyang cell phone ang P.A. at sa naturang dressing room na siya gagamit ng landline.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat na lang siya na nandoon ang female celebrity na nagpapahinga. Mabilis na nag-sorry ang P.A. dahil akala niya na walang gumagamit ng dressing room.

Bigla raw tumalak ang female celebrity at sinermunan ang pobreng P.A. Bakit daw ito basta-basta na lang papasok sa mga dressing rooms na hindi man lang kumakatok? Paano raw kung nakahubad siya eh di nabosohan pa siya? Paano raw kung wala siya roon at may mga gamit siyang nawala? Mapapalitan daw ba iyon ng P.A.?

Nangatwiran naman ang P.A. na walang nakalagay sa pintuan at hindi naka-lock ito kaya akala niya ay walang tao. Wala naman daw siyang ibang intension kundi ang maki-charge lang ng cell phone niya.

Pero tila bingi nga ang female celebrity sa tamang katwiran at sa pag-sorry ng P.A. Isusumbong daw siya nito sa kanyang padrino sa network para ipatanggal siya sa trabaho.

Halos mangiyak-ngiyak ang P.A., hindi dahil sa natatakot siyang mawalan ng trabaho kundi sa banta ng isang starlet na biglang sikat lamang. Limang taon na kasi siyang nagtatrabaho sa naturang network at ni minsan ay wala siyang nagawang pagkakamali. Tapos dahil lang sa maling pagpasok nito sa dressing room ay mawawalan siya ng trabaho dahil sa spoiled brat attitude ng female celebrity?

Humingi ng tulong ang P.A. sa kilala niya sa network para ipagtanggol naman siya sa gustong gawin ng female celebrity. Hindi nga naman fair na basta na lang magpatanggal ito.

Kinausap nga ang manager ng female celebrity at nagpaliwanag sila sa nangyari. Naawa rin ang ma­nager sa P.A. dahil wala naman itong kasalanan talaga.

Pinagsabihan ng manager ang female celebrity na huwag itong mag-power trip dahil wala siya sa lugar. Pati ang mga suwelduhang empleyado ay pinag-iinitan nito na nag-sorry naman pala sa kanya.

Noong maayos na ang lahat, nakahinga na ng maluwag ang P.A. dahil hindi siya mawawalan ng trabaho. Pero nangako ito na never itong magwo-work sa anumang show ng malditang power-tripping na female celebrity. At ikukuwento niya sa lahat ang pinakitang kasamaan ng ugali nito.

BF ni Lindsay Lohan ka-join sa You’re My Foreignoy ng Eat Bulaga

 Ang nababalitang boyfriend ngayon ng controversial Hollywood actress na si Lindsay Lohan ay sumali sa contest ng Eat Bulaga na You’re My Foreignoy.

Ito ay ang 23-year old British model na si Christian Arno Williams. Naging daily winner si Williams sa naturang contest na para sa mga foreign men with a Pinoy heart.

Nabalita na nga si Christian sa isang British tabloid na Mirror na siya ang kasalukuyang boyfriend ni Lindsay Lohan. Student ito sa Liverpool, England at male model para sa mga fashion brands na Abercrombie & Fitch at Hollister.

Nabalita pa ngang niregaluhan ni Lohan si Christian ng isang mamahaling Rolex watch na nagkakahalaga ng $49,200.

Nagkakilala raw ang dalawa sa Shanghai Fashion Awards in China kung saan isa sa mga nag-model sa ramp si Christian at si Lohan ay nasa audience.

Nakarating sa Pilipinas si Christian dahil na rin sa modelling opportunities in Asia. Noong October 2013 ay isa siya sa mga rumampa para sa ilang designers sa Philippine Fashion Week.

Jay Leno babu na sa tonight show

Pagkatapos ng 22 years ay nagpaalam na si Jay Leno sa kanyang late night talk show na The Tonight Show.

Isang emotional na Jay Leno ang humarap sa kanyang live audience at nagpasalamat sa dalawang dekada na pagsubaybay sa kanyang programa.

 â€œThis is the greatest 22 years of my life. I am the luckiest guy in the world. This is tricky,” sey pa ni Leno.

Papalitan nga si Leno ng komed­yanteng si Jimmy Fallon sa The Tonight Show simula sa February 17.

Marami raw great memories si Leno noong una siyang umupo bilang host ng The Tonight Show. Noong first year niya sa show ay sumakabilang-buhay ang kanyang ina. Noong ikalawang taon niya, ang ama naman niya at ang kanyang kapatid na lalake ang nawala sa ikatlong taon niya.

 â€œAnd after that I was pretty much out of family. And the folks here became my family,” paturing niya sa buong staff and crew ng The Tonight Show. “You’re all very kind and I don’t like goodbyes. NBC does.”

Nagpadala nga ng kanyang mensahe si US Pres. Barrack Obama kay Leno na isa sa paborito niyang panoorin.

“Jay, you’ve made a whole lot of jokes about me over the years, but don’t worry, I’m not upset. Hope you have a warm coat, funnyman.”

At age 63, plano pa rin ni Leno na ipagpatuloy ang kanyang career bilang isang stand-up comedian. May mga invitations na nga raw siya na mag-perform sa mga comedy clubs.

“It’s been a wonderful job. This is the right time to leave. I’m coming home, honey!” pagtatapos pa ni Jay Leno.

vuukle comment

CELEBRITY

DAHIL

FEMALE

JAY LENO

KANYANG

NIYA

SIYA

TONIGHT SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with