^

Pang Movies

Juday excited na uling magka-baby

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa ang Kapamilya actress na si Judy Ann Santos sa mga inaabangan sa muling pagbubuntis courtesy of husband Ryan Agoncillo. Excited na nga raw siyang masundan si Lucho pero hindi pa raw siya preggy talaga sa ngayon.

“Mukha lang akong buntis ngayon kasi nag-gain ako ng so many pounds this Christmas season. Masarap talagang kumain,” bungad ni Juday sa “reality village” sa Cavite para sa kanyang bagong show sa ABS-CBN na I Do.

Super welcome naman daw sa kanilang mag-asawa sakaling ma-grant ang kanilang wish to have another baby.

“Kung maganap hopefully this year. Prepared naman kami at si Lucho naman ay three years old na and kung magkakaroon ng isa pa ay bonggang-bonggang announcement ’yon. Hindi ko naman itatago ‘yon. Ano naman ang karapatan kong itago ’yon eh kasal naman ako,” pahayag pa ng Young Superstar.

Samantala, bukod sa second season ng programang Bet on Your Baby na host si Juday, excited na rin siya sa bagong reality show na ito ng ABS-CBN.

Kuwento pa ni Juday, ang Cavite Village sa Lancaster Estates ay ginawa talaga para sa show na I Do.

“Bongga talaga siya at napakabonggang pressure din ito para sa akin,” pag-amin ni Juday na dating host ng Master Chef Pinoy Edition.

Mahigit limang taon nang kasal si Juday at ang sarili niyang mga naranasan sa buhay bilang mag-asawa ay magagamit niya sa programang I Do.

“Parang mate-test dito ang power ko sa pag-a-advise. Nakakatuwa na pagkatiwalaan ka ng isang ganitong klaseng show na wala pang nakakagawa. So it’s fun, but at the same time, it’s a test sa akin kung kakayanin ko ba,” sabi ng aktres.

Meanwhile, ipinahayag din ni Juday na nagsisimula na sila ng taping ng second season ng kanyang current game show na Bet on Your Baby.

“Palagi naman akong nagdarasal. I am thankful na ito ang ibinigay sa aking trabaho na nakakatulong ka at nakakapagpapasaya ka at ako mismo ay masaya,” kuwento ni Juday.                                              

vuukle comment

CAVITE VILLAGE

I DO

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

LANCASTER ESTATES

LUCHO

MASTER CHEF PINOY EDITION

YOUR BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with