^

Pang Movies

Solenn memorable ang pasko sa piling ng Argentinian BF

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Memorable ang Pasko ngayon sa buhay ni Solenn Heussaff dahil magbabakasyon siya kasama ang kanyang Argentinian boyfriend. Naging abala rin kasi ang seksing aktres dahil sa rami ng commitments.

Pagbalik ni Solenn ay magiging abala naman siya sa promosyon ng Mumbai Love na siya ang bida.

“Excited na akong maipalabas ang Mumbai Love na kinunan pa sa India dahil hindi ito karaniwang love story. Tungkol ito sa dalawang tao mula sa magkaibang kultura sa magkaibang mundo. Ito’y mula sa India at Pilipinas na mayaman sa kultura at tradisyon. Mahaharap sa matinding pagsubok ang pagmamahalan namin ni Kiko Matos na gumaganap na Indian businessman,” say ng magandang celebrity.

Si Solenn ay isang Filipino-French commercial at print model, fashion designer, painter, video jockey, professional make-up artist, singer, TV host, at actress na gumagawa na ng malaking pangalan dahil may ibubuga naman talaga sa entertainment.

Natutuwa si Solenn dahil nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa India at malaman ang kultura at tradisyon doon.

Palabas na ang Mumbai Love sa Enero 22 na opening salvo ng Capestone Pictures, Inc. at iri-release ng Solar Entertainment.

Kiko na-starstruck kay Solenn

Magkatambal sina Solenn Heussaff at Kiko Matos sa Mumbai Love bilang magkasintahan mula sa dalawang bansang magkaiba ang kultura at tradisyon.

Noon pa pala ay crush na ng baguhang aktor si Solenn dahil bukod sa napakaganda ay seksi pa ito.

“Hindi lang siya maganda sa panlabas na kaanyuan kundi gayun din ang panloob na kalooban. Nang una kaming magkita sa set ay na-starstruck ako sa kanya. Kabado muna nung una pero naging magkapalagayang loob din dahil mabait siya at friendly,” anang Kiko.

Bagay ang kanilang tambalan at maraming kikiligin sa kanilang love scene.

Tunay na diwa ng kapaskuhan

Isang pahabol na pagbati ng maligayang Pasko sa lahat ng PM readers! Alalahanin lagi na ang tunay na diwa ng Pasko ay nasa pagmamahalan at pagbibigayan.

 

vuukle comment

CAPESTONE PICTURES

DAHIL

KIKO

KIKO MATOS

MUMBAI LOVE

PASKO

SI SOLENN

SOLAR ENTERTAINMENT

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with