^

Pang Movies

Heart ready nang ‘magwala’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Proud na proud nga si Heart Evangelista sa kanyang sexy calendar shots bilang bagong Tanduay calendar girl for 2014.

Si Heart mismo ang nag-share ng kanyang sexy photos via her Twitter and Instagram account.

Ito na ang simula ng bagong image ni Heart na nakasanayan ng marami na very wholesome ang image.

Pero gusto nga raw mag-grow ng 28-year-old Kapuso actress kaya pinasok na rin niya ang pagpapa-sexy para lang mapatunayan na puwede na siya sa mga role that will require her to do sexy and daring scenes.

Kasalukuyang ginagawa ni Heart ang pelikulang Trophy Wife na kasama niya sina Derek Ramsay, Cristine Reyes, at John Estrada under Viva Films.

“Ako na ’to, diskarte ko na,” say pa ni Heart.

“I’m going to do a lot of things that I haven’t done in my career. I’m very much open to it now. Not necessarily sexy but more of embracing my age.

“Hindi naman ako forever eighteen or nineteen. Twenty eight na ako so na-accept ko na iyon and you also have to go with the times.

“I started with my Esquire cover and I’m open to do other things just as long as it’s still very much who I am,” paliwanag ni Heart na bida sa afternoon teleserye na Magkano Ba ang Pag-ibig?

Venus Raj katabi pang matulog ang ina

 Lilipad patungong Japan ang former Binibining Pilipinas-Universe Venus Raj para i-shoot doon ang ilang episodes para sa kanyang bagong show para sa GMA News TV na Business Flight.

Isa itong travel/inspirational show dahil hindi lang ito magpapakita ng mga tourist spot kundi may istorya pa mula sa mga Pinoy na naging successful sa kanilang pagsusumikap sa ibang bansa.

Makakasama nga ni Venus sa Business Flight ang businesswoman na si Cristina Decena.

Natuwa si Ms. Cristina nang malaman niyang si Venus ang kanyang makakasama. Kailan lang daw kasi ay napanood niya ang kuwento ng buhay ng beauty queen sa Maalaala Mo Kaya.

Naka-relate nga siya sa mga pinagdaanan ni Venus dahil hindi nga mabilis ang pag-asenso ni Ms. Cristina at pinagbutihan niya ang kanyang trabaho para mara­ting ang kanyang mga pangarap.

“Napanood ko kung gaano niya kamahal ang mother niya. Magkatabi pa rin silang matulog kahit na malaki na itong si Venus.

“Kaya naman successful siya sa buhay dahil pinahahalagahan niya ang mga taong malapit sa puso niya tulad ng kanyang ina,” say ni Ms. Cristina.

Sa January na mapapanood ang Business Flight sa GMA News TV, Channel 11.

Hunger Games actress waging best supporting actress!

Nagwagi bilang best picture ng New York Film Critics Circle ang pelikulang American Hustle. Tungkol ito sa isang 1970s con artist na napilitang magtrabaho kasama ang FBI (Federal Bureau of Investigation).

Nanalo naman bilang best actress si Cate Blanchett for Blue Jasmine and best actor goes to Robert Redford for All is Lost. Best director naman si Steve McQueen para sa kanyang pelikulang 12 Years a Slave. Best supporting actor naman si Jared Leto for Dallas Buyers Club at best supporting actress naman si Jennifer Lawrence for American Hustle.

Ang New York Film Critics Circle ay isa sa pinakamatandang award. Nagsimula ito noong 1935. Bumubuo rito ay mga taga-newspaper, magazine, and online publication.

vuukle comment

AMERICAN HUSTLE

ANG NEW YORK FILM CRITICS CIRCLE

BEST

BINIBINING PILIPINAS-UNIVERSE VENUS RAJ

BLUE JASMINE

BUSINESS FLIGHT

KANYANG

MS. CRISTINA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with