^

Pang Movies

Luis bumabakod na kay KC!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

 Isang reward at blessing para kay Luis Manzano ang pagkapanalo niya sa katatapos na 27th Star Awards for TV bilang best game show host para sa show na Deal or No Deal ng ABS-CBN 2.

First time raw niyang makatanggap ng award na ganun kaya tuwang-tuwa siya.

“People have no idea kung gaano ka-meaningful this award is. For me it is a sense of fulfillment,” sambit ni Luis habang himas-himas ang kanyang award.

Kaya wala raw siyang time sa mga negative issue at ayaw na raw niyang magsalita para iwas daw siya sa hassle sa mga basher na nagko-comment tungkol sa kanila ni Jennylyn Mercado.

“Tahimik na lang tayo. Just be happy, smile, and bless them,” giit ni Luis.

Thankful si Luis sa fans na sumuporta sa love story nila ni Jennylyn kahit ngayon nga ay nagtapos na ang kanilang kuwento. Hindi alam ni Luis kung kelan sila uli magiging magkaibigan ni Jennylyn pero darating din daw ang time na ’yun.

Sa tanong kung hindi ba siya nalulungkot dahil lahat ng friends at classmates niya ay may kanya-kanyang pamilya na samantalang siya ay solo pa rin hanggang ngayon.

“Well, next time I’ll make sure that my next girlfriend will be the one,” hangad ni Luis.

Biro tuloy niya na kaya ’yung apo raw muna ng kapitbahay nila ang hihiramin niya para ibigay sa kanyang Mommy Vilma Santos-Recto. Open kasi si Ate Vi na hinihingian na niya ng apo si Luis pero naudlot nga dahil hindi pa man ay nag-break na sila ni Jennylyn.

Ngayong December ay plano ng pamilya ni Luis na magbakasyon kahit daw ilang araw lang kasi nabitin sila nung birthday ni Ate Vi dahil pumanaw ang mother ni Sen. Ralph Recto.

Samantala, magkasabay umalis ng event sina Luis at KC Concepcion na nanalo naman ng best drama supporting actress sa palabas na Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN din. Marami ang nagsasabi na bagay ang dalawa at nirereto rin ni Ate Vi si KC kay Luis.

Sabi pala ni KC sa kanyang speech, parang kelan lang daw nang sampalin niya si Judy Ann Santos na thankful siya sa kanyang Ate Juday dahil ito ang nagpilit sa kanya para tanggapin ang role bilang Alexis. Marami raw siyang natutunan kay Juday hindi lang ang maging mahusay na artist kundi maging isang mabuting tao.

Dagdag pa niya na pinapanood lang daw niya ang mga palabas sa TV at parang kelan lang ay bitbit lang din siya ng Mama Sharon Cuneta niya sa set. Ngayon ay tanggap na niya na totoo palang nasa dugo niya ang pagiging artista at ngayon ay kinilala na siyang isang aktres. ’Kakatuwa pa na pati ang kanyang personal staff — mula driver, yaya, hanggang make-up artist — ay pinasalamatan at sila raw ang mga dahilan kaya siya nakakarating sa kanyang trabaho.

 

vuukle comment

ATE JUDAY

ATE VI

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JUDY ANN SANTOS

LANG

LUIS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with