^

Pang Movies

Mark tatawagin nang Bambam

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Isa sa aliw factor na pinaglaruang iposte sa laban nina Manny Pacquiao at Brandon “Bambam” Rios ay ang comment na malaki ang pagkakahawig ng mukha ng huli kay Mark Herras.

Sabi pa sa mga komento, pagtanda raw ni Mark ay ganun ang magiging hitsura niya, kagaya ni Bambam.

Nakakatawa na ang guwapo ng boksingero pero parang bata na panay ang dila kay Pacman sa tuwing napupuruhan siya ng suntok. At duguan man ang mukha ay panay pa rin ang ngiti hanggang matalo na. 

Pagkatapos ng laban, hindi nakapagtatakang tawaging Rios o Bambam na rin si Mark na mukhang bagay naman sa kanyang pa-bad boy na image.

Princess Punzalan kuntento na sa simpleng buhaysa piling ng asawa sa USA

Ngayong araw ang lipad ni Princess Punzalan pabalik ng Amerika na two weeks namalagi sa bansa. Dinalaw lang daw niya ang kanyang relatives.

Sinabihan lang daw siya ni Tita Carmelites, isa sa mga secretary ni German “Kuya Germs” Moreno, na dumaan sa GMA 7 pero hindi sila nagkita sa network dahil nagkataong naimbitahang mag-ilaw ang Master Showman ng Christmas tree sa Greenhills, San Juan City.

  Ang ganda-ganda pa rin ni Princess na parang hindi nadadagdagan ang edad. Peaceful pa rin ang aura at malumanay magsalita. Siguro dahil tamihik at normal daw ang takbo ng buhay niya sa Los Angeles kasama ang kanyang Caucasian husband. Enjoy nga siya sa pagluluto at iba pang gawaing bahay.

Pero isa na siyang nurse ngayon sa US matapos kumuha ng kurso roon. Pati raw pagkakarpintero ay kinatuwaan na niya dahil jack of all trades daw ang drama niya sa States. Kaya kahit daw may offer para gumawa siya ng acting job sa ‘Pinas ay hindi raw niya matanggap dahil sa ayaw niyang magtagal at iwan ang kanyang asawa na mag-isa. Kahit pa miss na rin niya ang umarte at magsulat ng story.

In time raw siguro pero updated naman siya sa mga nangyayari sa ‘Pinas. Tulad nang panonood dati ng My Husband’s Lover kaya fan daw siya nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na mahusay daw umarte.

Jackielou napabilib ni Janine

Proud tita naman si Jackielou Blanco sa pamangkin niyang si Janine Gutierrez. Happy siya dahil finally ay nagbida na ang dalaga sa Villa Quintana ng GMA 7.

Kampante si Jackielou sa pag-arte ni Janine dahil may talent ito na napapanood din niya na hindi raw nagpapahuli sa aktingan bukod pa sa nasa mabuting kamay daw ito dahil ang director ng bagets ay si Gina Alejar.

Basta raw may kailangan o problema si Janine ay ready daw ang buong pamilya, lalung-lalo na si Tita Jackielou niya.

Pero marunong naman talagang umarte ang anak ni Lolot de Leon sa Villa Quintana na hindi nakakapagtaka kasi namana niya ang talino sa pag-arte ng kanyang angkan. ’Katuwa pa na sa unang tingin ay malaki nga ang pagkakahawig niya kay Donna Cruz sa pang-hapong palabas.

vuukle comment

BAMBAM

DAHIL

DAW

DENNIS TRILLO

DONNA CRUZ

JANINE

NIYA

PRINCESS PUNZALAN

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with