^

Pang Movies

Piolo wini-wish nang totohanin si Shaina

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Bisi-bisihan ang career ni Piolo Pascual ngayong last quarter ng taon dahil bukod sa shooting nila ni Toni Gonzaga ng movie nila Unlove You ng Star Cinema ay kasabay pa nito ang indie film ng aktor na pinamagatang Silong, ka-partner naman si Rhian Ramos at ang singer na si Jeffrey Hidalgo ang director.

Pupunta rin si Piolo sa Nov. 7 sa Toronto, Canada dahil may show sila ni Angeline Quinto. Malamang na magkita sila ng anak niyang si Iñigo dahil end of school year na nito sa US. At pagpasok pa ng taong 2014 ay excited na agad ang fans ni Piolo dahil nataong Sunday ang birthday niya na Jan. 12 kaya tiyak na may engrandeng celebration sa ASAP.

Wish naman ng lahat na totohanin na ang holding hands nila ni Shaina Magdayao dahil pareho naman silang good catch sa isa’t isa. Kaya lang, ayon sa aktres, common na sa kanila ang mag-holding hands kahit noon pa man tuwing nagkikita sa mga event.

Edgar Allan bumili na ng bahay para sa kanila ng GF

May bahay na palang kinuha si Edgar Allan Guzman pero hindi pa nakapangalan sa kanya ang house and lot kasi may problema pa raw ito sa deed of sale.

Sinimulan na nitong pagandahin ang bahay pero hindi ibig sabihin nito ay magpapakasal na siya sa kanyang bagong gilfriend na si Shaina Mae Ocampo na kasama niya sa Kapatid Network.

Wala pa silang plano na mag-settle down. Pareho pa silang busy sa kanya-kanya nilang trabaho. Marami raw siyang natutunan sa previous relationship niya from Jolan ng Sexbomb Dancers. Iniiwasan na niyang maging mainitin ang ulo at hindi na niya pinaiiral ang selos. Natutuwa siya kay Jolan dahil alam niyang tulad niya ay naka-move on na ito at masaya siya para sa dating GF.

Samantala, pangarap ni Edgar Allan na gumanap ng isang may sakit na epilepsy. Natsa-challenge raw siya sa ganitong role na sana ay magampanan niya kahit sa indie film. Pero ready na siya sa kahit anong role kaya panay daw ang diet niya para hindi siya bumulagta sa anumang sasabakan niyang eksena.

Bea dinedma ni Jake nang maaksidente

Dumalaw si Bea Binene kay Kuya German “Germs” Moreno sa show nitong Walang Tulugan with Master Showman para batiin ito sa kanyang birthday.

Halatang nag-iwasan sila ni Jake Vargas dahil hindi siya nag-stay sa dressing room kundi sa camera room ng GMA 7 lang sila tumambay ng kanyang mommy pero pinuntahan naman si Ken Chan. Talagang hindi pa sila friends ng dating BF dahil kahit maglingunan ay hindi nila ginagawa.

Nilinaw naman ni Bea na ang PolyEast Records ang namili ng kanta sa duet album nila ni Ken na ang title ay Dito sa Puso Ko at may nine tracks. Pero hands on siya sa mga picture at packaging ng kanilang album. Meron silang tatlong duet na Bakit Labis Kitang Mahal, Yoops Keri, at Dito sa Puso Ko. May tatlo naman siyang solo songs na may title na Tipo Kong Lalaki, High School Life, at isang original song na Asa Ka Pa. Samantalang kay Ken ay Nais Kong Malaman at Sumayaw Sumunod.

Magkamukha na silang dalawa ni Ken dahil pareho silang singkit at in fairness sa couple ay bagay silang dalawa. Kaya siguro hindi na sinagot ni Jake ang makulit na tawag ni Bea nung maaksidente  ito. Bilang ganti ay ayaw na ring pag-usapan ni Bea ang break-up nila ni Jake. Pero pinupuri naman ni Bea si Ken na sobrang gentleman, masarap kasama, at super alalay sa kanya kahit daw sa simpleng pag-upo at pagbaba lang niya ng sasakyan.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ASA KA PA

BEA

DAHIL

EDGAR ALLAN

NIYA

PERO

PUSO KO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with