^

Pang Movies

Female vocalist ng banda hindi napantayan ng kapalit!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Nagpalit na ng female vocalist ang isang alternative pop band na nagkaroon ng maraming hits. Hindi ko pa naririnig ang boses ng bagong singer pero kung pagbabasehan lang sa aura niya sa mga litrato ng banda ay hahanap-hanapin pa rin ang umalis (o inalis) na bokalista dahil sa cute nitong mukha at ngiti. Siya na rin kasi ang naging mukha ng banda sa loob ng maraming taon at ilang album.

Ang bagong bokalista ay mas bata at mas matangkad ng konti. Ang dating bokalista naman ay sumubok mag-solo nang sumali sa nakaraang The Voice of the Philippines pero hindi pinalad makapasok sa elimination round kahit isa siya sa may pinakamagandang boses sa mga female-led band.

The Bloomfields magpe-perform sa mga sosyal na mahilig sa beer

Ang suwerte naman ng bandang The Bloomfields dahil sila pala ang natokang mag-perform sa sosyal na Oktoberfest ng Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City. Hindi ito ’yung pang-masang event ng San Miguel Pale Pilsen na maraming banda ang iniimbita taun-taon at tumutugtog sa iba’t ibang lugar. Magka-partner sa Oct. 18-19 ang Sofitel at German Club Manila sa pagdiriwang ng ika-75 taon ng Oktoberfest sa Pilipinas at ika-apat na Bavarian Oktoberfest naman sa Sofitel.

Kaya masuwerte ang banda na ’60s-’70s ang tunog pero mga bagets pa naman ang miyembro dahil solo nila ang spot sa Sabado, Oct. 19. Ibig sabihin, mahaba ang set nila. Mauuna lang sa kanila ang Bavarian Sound Express sa Biyernes, Oct. 18 na sa pangalan pa lang ay halatang imported na.

Parehong sa Harbor Garden Tent ng hotel sila pupuwesto. Kita n’yo naman at pinagkatiwalaan ang The Bloomfields na aliwin ang mga sosyal na dadayo sa Sofitel para lang maki-Oktoberfest. Medyo ilang taon na rin naman sa eksena ang quartet na nakapag-record ng dalawang album sa EMI Philippines.

Walang impormasyon kung magkano ang show o ang beer pero maaari raw tumawag sa German Club Manila sa 817- 3552 o 818-4236 o sa Sofitel sa 832-6988. Ang babayarang tiket ay para sa entrance at raffle na. Meron ding option sa mga gustong mag-book sa Sofitel na may diskuwento ang room rate. 

Ang kaigihan lang, kahit tiyak na may kamahalan ang entrance fee, ang bahagi ng kikitain ay tutulong sa welfare projects ng German Club. Siyempre sa ating mga kababayang kapuspalad din naman ’yun mapupunta dahil sa Makati City lang naman sila naka-base at hindi sa Germany.

Fun run pinagkakakitaan na rin ng mga singer

Nagkakaroon na rin ng raket ang iba pang musikero ngayon hanggang fun run dahil nauuso na rin ang takbuhan na may kasamang “party” pagkatapos.

Nauna na ang SunPiology ni Piolo Pascual na noong isang taon lang yata nag-umpisa na makipag-partner sa Star Magic para magkaroon ng konting kasiyahan sa stage pagkatapos ng awarding sa mga nanalong runner. Hindi man naka-sentro sa mga banda ang live music nila, maraming pa ring singers ng ABS-CBN ang nagkakaroon ng alternative venue na makakantahan. Sa Nov. 23, ang ika-limang  SunPiology, ay nakahilera uli ang Star Magic talents na makikisaya pagkatapos pawis-pawisan ng runners.

Sumunod naman ang pasabog ng Rexona Run 2013, na mas mauuna sa kanilang schedule sa Oct. 20, na nagdagdag ng sampung performing artists (pinagsamang disc jockey at banda) sa kanilang usual na takbuhan lang sana kada taon. Mas party na party ang dating ng fun run ng deodo­rant brand dahil kada finishing line ay “tugs, tugs, tugs” na ang sasalubong na tunog sa mga tumatakbo.

Innovative nga ang dating pero hindi kaya mag-iba na talaga ang fun run sa mga susunod pang taon? Fun na lang, wala ng run.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

BAVARIAN OKTOBERFEST

BLOOMFIELDS

GERMAN CLUB MANILA

LANG

NAMAN

OKTOBERFEST

SOFITEL

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with