^

Pang Movies

Billy naka-move on na agad, Nikki limot na

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nakabalik na nga si Bily Crawford ng bansa. Kahit panay ang pa-interview ay ayaw nang magpakontrobersiyal ng TV host. Panay ang iwas niya sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanila ni Nikki Gil.

Halatang naka-move on na agad ang international singer dahil maaliwalas ang mukha at pumayat ng konti na mas bumagay naman.

Magiging busy na rin siya sa pagpo-promote ng kanyang bagong album na natapos na niyang gawin. Tiyak na meron siyang kanta tungkol sa kanyang pinagdaanan na kahit hindi niya sabihin ay mukhang nainip o nasakal naman siya sa relasyon nila ni Nikki.

Bagong indie ni Ate Guy inaabangan kung kayang tapatan ang Ekstra

Suportahan kaya ng fans ni Nora Aunor ang kanyang indie film na Kuwento ni Mabuti kapag ipinalabas na itong entry sa CineFilipino ng Studio 5?

Dapat malampasan ng Kuwento ni Mabuti ang indie film ni Vilma Santos na Ekstra. Imagine, sa buong linggo ng Cinemalaya ay laging sold out ang mga ticket ng Ekstra sa sinehan at sinugod pa ng ibang fans ang Cultural Center of the Philippines para mapanood lang ito. Sinuportahan pa ng Star Cinema ang distribusyon kaya ito naipalabas sa lahat ng commercial cinemas.

Tama ang sabi ni Ate Vi na forever na ang salpukan nila ni Nora pero hiling lang ng Star For All Seasons na gawin lang professional ang atake tuwing pinagsasabong sila ng Superstar.

Ipinakitang boob ni Eugene, iba ang may-ari?

Kahit seryoso ang tema ng indie movie ni Eugene Domingo ay maraming tawa factor ang pelikula niyang Instant Mommy. May nag-comment pa sa sinehan na hindi raw totoong boob ni Eugene ang ipinakita niya sa pelikula. Kahit inamin na ito ni Eugene na pumayag siyang ipakita ang dibdib kahit saglit lang.

Sinundan pa ang reaction ng magbabarkadang nanood nung nasa comfort room sila na peke raw ang pagpapakita ni Uge dahil parang mas bata raw ang may-ari ng boob. Katuwiran nila, dapat daw ay hindi na yummy ang hinaharap ni Eugene sa edad niya ngayon. Ipinagtanggol naman ng isang pa-girl nilang kasama, na sobrang affected sa role ng bida sa Instant Mommy, na may asim pa naman ang komedyana.

 

vuukle comment

ATE GUY

ATE VI

BILY CRAWFORD

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

EKSTRA

EUGENE DOMINGO

INSTANT MOMMY

KAHIT

KUWENTO

NIKKI GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with