^

Pang Movies

Ruffa hinahanap ng fans!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasaan na ba si Ruffa Gutierrez? Bakit bibihira siyang mapanood ngayon maliban sa kokonting TV interview? Hinahanap si Ruffa ng kanyang mga tagahanga dahil sunud-sunod at kabi-kabila nga naman ang mga teleserye ngayon pero wala man lang siyang participation isa man dito. 

Sayang naman ang beauty and talent ng beauty queen-actress-TV host. (Nasa London po siya, nag-aaral. - SVA)

Vice Ganda masasakit pa rin ang biro

Minsan halatang nauubusan na din ng jokes si Vice Ganda. Wala sa lugar ang pagpapatawa niya. Sabagay, mahirap naman talagang magpatawa lalo’t araw-araw na kailangang gawin ito sa programa.

Malimit kasi ay may nasasaktan ang gay comedian kapag nagdyo-joke sa It’s Showtime. Hindi naman makapalag ang contestant dahil baka hindi mapili para manalo. Masasakit ang biro ni Vice Ganda lalo’t hitsura ng tao ang kanyang tinutumbok.

No wonder na minsan na rin niyang sinabi mismo na gusto naman niyang magpahinga. Kailangan niya siguro ng rest sa TV.

Mga sumasali sa Talentadong Pinoy nakakatakot panoorin

Balitang matitigok na rin ang Talentadong Pinoy ng TV5. Well, okay na lang sigurong matuldukan na. May mga manonood kasi na tuwing napapatutok sila, sa halip na humanga, ay palagi silang kinakabahan sa mga kalahok na contestants. Paano ba naman nakabitin sa panganib ang mga nagpa-participate?

Totoong mahirap ang buhay at mahirap kumita pero ’wag naman sanang ganitong exhibition ang ipakita sa telebisyon.

Randy bilib sa ganda

ng katawan ni Liwayway

Gulat at bilib si Randy Santiago sa ganda ng katawan at galing sumayaw ng nag-iisang Sexbomb girl na humahataw ngayon sa TV5, si Sandy Tolentino, alyas Liwayway.

Masuwerte si Liwayway na alaga pa rin ng Sexbomb manager na si Joy Cancio at paborito ng Dancing Queen na si Ana Feliciano. Mabait daw kasi at propesyonal si Liwayway.

                                                 

vuukle comment

ANA FELICIANO

DANCING QUEEN

JOY CANCIO

LIWAYWAY

NAMAN

NASA LONDON

RANDY SANTIAGO

TALENTADONG PINOY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with