^

Pang Movies

Empress pumayag nang makipagsiping

- Vinia Vivar - Pang-masa

First time ni Empress na magkaroon ng bed scene sa pelikulang Tuhog na si Enchong Dee ang kanyang kaeksena. Aminado ang young actress na kinabahan siya talaga nang kunan ang nasabing scene.

“Nung una, sobrang kabado ako. Inisip ko kung ano ang sasabihin ng mga tao if they see me doing something very different than before. But I guess, na bilang aktres, you have to show people na as a cha­racter grows you also have to grow,” sabi ni Em.

“And I’m very lucky na si Enchong ang ka-partner ko since I am very comfortable with him.”

Ginagampanan ni Empress ang papel na Angel sa Tuhog, ang long-distance girlfriend ng karakter ni Enchong.

 â€œGaling siyang (si Angel) Marinduque. Nasa stage siya ng buhay niya kung saan ay curious siya sa mga bagay-bagay,” deskripsiyon ng young actress sa role.

Ayon pa kay Em, napakaganda ng mensahe ng pelikula at ito ay to appreciate the life that you have right now. Kung siya ang tatanungin, in real life, sobrang ina-appreciate niya kung anumang buhay mayroon siya ngayon.

 â€œNapakasuwerte ko. Bihira lang ang mabigyan ng pagkakataon na matupad ang mga pangarap nila sa buhay. I am slowly living to fulfill my dreams in life. And I am happy every step of the way,” pahayag ni Em.

When asked kung sarili ba niyang desisyon ang magpaka-daring na ngayon, sagot niya ay pinag-isipan daw nila ito pareho ng manager niyang si Becky Aguila.

 â€œNaisip po namin na tumatanda na ako, so, ibig sabihin nun, ’yung fans ko rin po are maturing like me. So, pati roles na tatanggapin ko kailangang maipakita ko na ’yung growth ko as a person.

 â€œIbang Empress na ako ngayon. I can’t do teenybopper roles forever. Napaka-unrealistic po nun,” she said.

Pero siyempre, may limitasyon pa rin naman siya.

 â€œOf course. Any role that I would feel uncomfortable in or would jeopardize my reputation as a person ayaw ko po. Gusto ko pa rin po kahit paano na if I do mature roles kailangang may matutunan ’yung mga tao. Either sa mga nagawa o pagkakamali nung character na ’yun,” giit pa ng young actress.

Anyway, showing na ang “maindie” film na Tuhog ngayong July 17, handog ng Skylight Films, at mula sa direksiyon ni Veronica “Ronnie” Velasco. Kasama rin dito sina Eugene Domingo at Jake Cuenca. 

JM hinihintay nang makabalik!

Sana ay maisip ni JM de Guzman na maraming nagmamahal sa kanya at maraming naghihintay sa kanyang pagbabalik sa showbiz. Na sana rin ay pilitin niyang ibalik sa dati ang buhay niya noong hindi pa siya napapariwara.

As we all know, base na rin sa panayam sa ama ni JM kay Ricky Lo, ang kanyang anak ay kasalukuyang nagpapagaling.

 â€œHe’s somewhere, not yet stable, but getting better. A few more months and he will be okay. Maybe by December he will be recovered. He will be a better man when he emerges and he himself will tell the whole true story,” pahayag ni Ronniel de Guzman.

Of course, alam na rin naman siguro ng lahat kung ano ang tinutukoy ng ama na “sakit” at kung nasaan ang young actor ngayon.

Maging ang ex-girlfriend ni JM na si Jessy Mendiola ay naghihintay sa kanyang pagbabalik at sabi pa niya, isa si JM sa magagaling nating aktor sa kasalukuyan.

“I hope he gets well soon and gets back on his feet really soon because he’s really a good actor. I want him back also. A lot of people want him back,” pahayag ni Jessy sa isang panayam.

Marami sa mga taga-showbiz ang nagpapahayag ng suporta kay JM lalo na ang mga kaibigan niya. In fairness sa young actor, mabait naman siya talaga at nakalulungkot na kailangan niyang pagdaanan ngayon ang lahat ng ito.

Pero lahat naman sa mga taga-showbiz ay positibo na makakabangon pang muli si JM at, kumbaga, this is one phase in his life na lilipas din.

Harinawang makalampas si JM sa hindi magandang stage na ito ng kanyang buhay at matutong bumangong muli.

vuukle comment

BECKY AGUILA

BUT I

ENCHONG

ENCHONG DEE

EUGENE DOMINGO

GUZMAN

SIYA

TUHOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with