^

Pang Movies

Kris, hinihintay kasuhan ang mga nam-bully kay Joshua

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, hinihintay kasuhan ang mga nam-bully kay Joshua
Joshua at Kris Aquino

Hinihintay ng netizens ang aksyon ni Kris Aquino sa hosts ng podcast na Machong Chismisan kung saan pinagkumpara ang mga anak na sina Joshua at Bimby Aquino.

Tinawag nilang “sobrang okay na anak” si Bimby, pero si Joshua, nakatunganga lang daw sa school.

Nabanggit pa na P3,000 ang baon ni Josh araw-araw tapos nakatunganga lang at saka nagtawanan. Ini-encourage ng netizens si Kris na idemanda ang mga host, bullying daw ang ginawa ng limang hosts, pasok daw sa Republic Act No. 9442, The Magna Carta for Persons with Disability.

Ipinaalala ng netizens sa limang hosts na ang nasabing law ay nagbabawal sa public ridicule sa mga taong may disabilities at ang mapapatunayang guilty ay makukulong.

Mabilis na dinelete ang nasabing episode, kaya lang, marami na ang nakapag-screenshot sa controversial content at ang gusto ng netizens, idemanda sila ni Kris.

“Kris Aquino will definitely sue your asses! And yes, we’ll remember your ugly faces,” comment ng isang netizen. Sinundan ng “Imagine making fun of someone who has special needs, Joshua isn’t even a celebrity or a politician. He’s not bothering anyone.” Sinundan pa ng “These bullies deserve to be exposed and publicly shamed.”

Kasunod nito, may post si Michael Leyva, ang designer ni Kris. Sabi nito, “I just found out that there’s a video circulating online of these grown men making fun of Kuya Joshua Aquino.

“Making Kuya Josh the subject of your so-called ‘Machong Chismisan’ podcast and mocking his disability is not something that I or any of us should simply let slide.

“Kuya Josh is a genuinely kind and intelligent person who deserved all the love and support this world has to offer. Not the hurtful words you used to make fun of him.

“It is not funny and it will never be funny.

“Deleting the video from your Youtube channel will not make this issue go away. The internet keeps receipts.

“Good luck!”

Nag-release ng statement ang hosts ng Machong Chismisan, inalis na raw nila ang episode 20. Comedy podcast daw sila at ang goal ay ang matawa silang mga host at ang subscribers nila. Nag-sorry ang hosts sa mga na-offend nila at ang nabanggit sa episode. Nangako silang magiging more diligent sa mga susunod nilang episode.

Hindi nga lang tinanggap ng netizens ang apology ng mga host at patuloy silang binabanatan online. Ang latest, naka-private na ang TikTok page ng Machong Chismisan, wala na rin ang Instagram handler.

BINI, may kampanya sa Grammy

May pahayag si BINI Mikha sa campaign nila o mapasali sa nomination sa Grammy.

“We want people who may not heard of us, to discover that the Philippines has a lot of talented artists.

“For us, this category is about visibility within the global music sphere. Asian pop music has a huge, passionate global audience, and it’s meaningful to see the Recording Academy create a space that recognizes it. P-pop is growing so quickly.”

Ang BINI at ang SB19 ay nag-submit ng kani-kanyang songs for the Recording Academy’s first Best Asian Pop Music Performance category. Ito ay para sa 69th Grammy na naka-schedule sa Feb. 7, 2027. I-a-announce ang nominees sa Nov. 16, 2026.

 

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with