^

Pang Movies

Richard inumpisahan na ang bakasyon!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tinupad ni Sen. Sonny Angara ang pangako niya bago mag-eleksiyon noong May 13 na manalo at matalo siya, magpapasalamat siya sa entertainment press. In fact, siya ang unang-unang nagpasalamat sa lahat ng mga senador na sinuportahan ni Mother Lily Monteverde noong eleksiyon. Ramdam na ramdam niya ang suporta ng press sa araw ng eleksiyon nang malaman niyang umabot na ng five million ang boto niya, natiyak na niyang mananalo siya kaya natulog na siya. Iyon daw ang pinakamasarap niyang tulog. 

Nagpasalamat din si Sen. Sonny kina Coco Martin at Sarah Geronimo na malaki ang naitulong sa kanyang panalo. Nagkausap na sila ni Coco at tutuparin niya ang pangakong bakasyon nito sa Boracay kapag free na sa taping. Hindi pa niya nakakausap si Sarah pero ipinaaabot na niya ang pasasalamat sa suporta nito sa kanya. Noong July 1 nag-file na siya ng bills, nanguna rito ang scholarship grants para sa mga mahihirap pero matatalinong mag-aaral. Hindi titigil si Sen. Angara hanggang hindi ito naa-approve. Sa July 22 pa magsisimula ang session nila sa Senado.

Nagpasalamat din si Mother Lily Monteverde sa entertainment press na katulong niyang sumuporta sa mga tinulungan niyang kandidato. Isinabay na rin niya ang pasasalamat dahil sa success ng pelikulang prinodyus nila ng GMA Films, ang My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, sa direksiyon ni Jade Castro.

Pero ang malaking pasasalamat ay sa moviegoers at ang mga Dingdong Dantes at Marian Rivera fans, ang DongYans, na nag-organize pa ng block screenings. Dahil wala na si Richard na nagbabakasyon na, mag-isang nag-attend ng block screening si Marian noong July 3 sa Podium Cinema, pero noong July 4 ay sinamahan siya ng napaka-supportive boyfriend niyang si Dingdong, sa Podium din. Tuwang-tuwa ang mga tagahanga sa pagdating nila at kahit hindi nanood ang dalawa ng screening, tama na sa kanila ang message na ibinigay ni Dingdong: “Salamat sa pagdating ninyo at pagsuporta ninyo kay Marian at sa mga kasamahan niya sa pelikula. I’m sure ii-enjoy ninyo ito. Congratulations in advance dahil nabalitaan ko na napakaganda ng movie, very entertaining, at maraming magagandang reviews. So, palakpakan natin ang bida ng pelikula, ang ating Lady Boss.”

Todo pa rin ng pagpo-promote si Marian para sa movie nila ni Richard. Ngayong Sunday ay nasa Iloilo City siya, kasama ang iba pang members of the cast. Magkakaroon ng chance ang fans na makita at makapagpa-picture kay Marian. Puwede rin silang mag-join sa Marian Rivera lookalike contest at maki­pag-dance showdown sa sexiest woman ng FHM na tiniyak ang pagrampa niya sa show nila sa World Trade Center sa July 10.

vuukle comment

COCO MARTIN

DINGDONG DANTES

ILOILO CITY

JADE CASTRO

LADY BOSS

MARIAN RIVERA

MOTHER LILY MONTEVERDE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with