^

Pang Movies

Sen. Angara binalikan si Mother Lily!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Sen. Grace Poe-Llamanzares ang unang binigyan ng presscon ni Mother Lily Monteverde nung nakaraang eleksiyon. Thirteen lahat ang sinu­portahan ni Mother Lily at 11 doon ang pinalad na manalo.

Pero sa nahalal, unang-una si Sen. Sonny Anga­ra na nagbigay ng pasasalamat sa entertainment press at kay Mother Lily. Kahit senador na, ramdam pa rin ng press ang init ng pakikitungo sa kanila ng bagong senador.

Of course, prior to the younger Sen. Angara, may isang senador na ring nagparamdam.

Ang hinihintay pa ng press ay ang dinner sa Coconut Palace na ipinangako ni Sen. Nancy Binay at ang dinner sa Malabon sa bahay ni Sen. Loren Legarda. Nasa abroad pa ang senadora at sa mid-week ng buwan pa ang balik.

May isang senador naman na nagpasalamat sa 200 tao pero walang invited na entertainment press, huh!

Busy na ba silang lahat, Salve A.? (Hehehe. Hayaan na nga natin sila Ateng. Sana lang may magawa sila sa bansa natin. – SVA)

Joshua magaan na ang pakiramdam

Support muna ang drama ni Bimby Yap sa commercial ng San Marino Corned Tuna. Hinayaan muna ng bagets ang Kuya Joshua Aquino niya ang mangibabaw sa ad. After all, ilang commercials na rin naman siyang nagbida kasama ang ina na si Kris Aquino. Kaya naman hindi umagaw ng pansin si Bimby sa kabuuan ng commercial.

Eh sa San Marino commercial, ka-join ang dalawang coaches ni Josh na si Coach Chappy at Coach Eva. Sila kasi ang nakatulong upang ma-motivate ang panganay ni Kris na magbawas ng timbang. Natutuwa ang ina dahil mas nakakakilos na ng magaan at naging healthy na rin sa kanyang diet si Josh. Isa rin kasi ang San Marino sa naging importanteng diet ng panganay.

vuukle comment

BIMBY YAP

COACH CHAPPY

COACH EVA

COCONUT PALACE

GRACE POE-LLAMANZARES

KRIS AQUINO

KUYA JOSHUA AQUINO

MOTHER LILY

SAN MARINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with