^

Pang Movies

Nora kinilala nang mga kabataan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Nora Aunor ang napiling best performer ng Young Critics Circle para sa kanyang performance sa Thy Womb.

Mga tinalo nga ng Superstar sa naturang kategorya ay sina Kristoffer King (Oros), Ama Quiambao (Diablo), Fides Cuyugan-Asensio (Aparisyon), at Kristoffer Martin (Oros).

Ito ang ikalimang YCC best performer award ni Ate Guy. Napagwagian niya ito noong 1990, 1991, 1993, at 1995.

Napili namang best film ng YCC ay ang indie film na Qiyamah na dinirek ni Gutierrez Mangansakan II. Tungkol ito sa isang “rural village haunted by the spectre of apocalypse.”

Produced ang Qiyamah ng Film Development Council of the Philippines at naging parte ito ng Sineng Pambansa Film Festival noong June 2012.

 Ang tinalo naman nito as best film ay Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim, at Kalayaan.

Magaganap ang awarding ng YCC sa last week ng July sa University of the Philippines in Diliman, Quezon City.

JC masusubukan sa all out kontrabida

Masusubukan ang pagiging matinding kontrabida ni JC Tiuseco sa role na binigay sa kanya sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Maghihintay Pa Rin.

First time na gaganap na isang all-out kontrabida si JC pagkatapos ng ginawa niya noon sa Sisid. Pero mas matindi pa raw ito  dahil papahirapan niya nang husto rito sina Bianca King at Dion Ignacio.

Magkakaroon pa ng relasyon dito si JC sa isang matandang babae played by Ayen Munji-Laurel na gaganap namang ina ni Bianca.

Kukunan ang ilang episodes ng Maghihintay Pa Rin sa bansang Singapore.

Malawak ang research

Sensitive na issue ang homosexuality, lalo na kung ginagawan ito nang kuwento for television or movies.

Sa US, madalas na mga stories on being gay ay nagiging topic ng mga comedy series tulad ng Will & Grace, The New Normal, at Glee. Bihira na gawan ito ng seryosong istorya dahil baka maraming magkaroon ng iba’t ibang negative na reaction.

Pero buong tapang ngang gumawa ang GMA ng kauna-unahang “gay-serye” na My Husband’s Lover na sesentro sa relasyon ng mag-asawa na biglang magugulo dahil sa paglabas ng gay lover ng lalake.

Ayon sa director ng gay-serye na ito na si Dominic Zapata, malawak na research ang kanyang ginawa bago niya sinimulan ang pag-shoot ng naturang serye.

 

 

vuukle comment

AMA QUIAMBAO

ANG PAGLALAKBAY

ATE GUY

AYEN MUNJI-LAUREL

BIANCA KING

DION IGNACIO

DOMINIC ZAPATA

FIDES CUYUGAN-ASENSIO

MAGHIHINTAY PA RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with