^

Pang Movies

Ryzza Mae hindi scripted ang pagpo-po at opo

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatalo na ng child star na si Ryzza Mae Dizon ang mga katapat na channel ng programang The Ryzza Mae Show. Ilang bigating artista at showbiz personalities ang malimit na guest ng bagets. Nakakaaliw naman talaga. Saan ka nakakita ng isang seven years old na kung magsalita ay may sense na at alam ang tinatanong sa kausap?

Madalas pa na hindi niya nakakalimutan ang mga naging guest. Katulad ni Susan Roces ang nilutong paksiw para sa kanya. Kaya noong mag-guest naman si Sheryl Cruz, pamangkin ni Manang Inday, nagpakamusta si Ryzza Mae at nagbilin ng lutong paksiw bilang pagbibiro. 

Napapansin din kay Ryzza Mae na hindi scripted ang pagiging magalang at malimit na pagsasabi ng po at opo na parte ng kulturang Pilipino at bihira ng marinig ngayon. Hindi na kasi itinuturo sa mga bata ng makabagong panahon ang pagrespeto at pagmamahal sa matatanda.  

Anak ni Yoyoy Villame solong pinalalaki ang anak

Nakakuwentuhan namin ang singer  na si Hannah Villame, anak ng yumaong komedyante at singer din na si Yoyoy Villame. Nag-aaral na pala ang kanyang anak na si Rich na bukod sa pogi ay marunong pa sa school.

Single mother kasi si Hannah. Solo lang niyang pinalalaki ang kanyang anak. Mabuti na lang at tuluy-tuloy pa rin ang raket niya sa pagkanta kahit paano. Mas naging maganda sana ang takbo ng kanyang career kung buhay pa si Yoyoy.

 

              

vuukle comment

ANAK

HANNAH VILLAME

MANANG INDAY

RYZZA MAE

RYZZA MAE DIZON

RYZZA MAE SHOW

SHERYL CRUZ

SUSAN ROCES

YOYOY VILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with