^

Pang Movies

AiAi dapat manghingi ng advice kay Tiya Pusit

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

AiAi delas Alas, take if from Tiya Pusit. Hinahangaan kasi si Tiya Pusit ng showbiz press dahil tatlong taon na, going strong pa rin ang relasyon ng komedyana sa kanyang young and handsome boyfriend!

Mahusay magdala ng love affair si Tiya Pusit, na kahit hindi naman mayaman o malakas kumita, nanatili ang kanyang maligayang buhay-pag-ibig. Dapat magkaroon sila ng exclusive girl talk ni AiAi para malaman ng nagdurusang artista ang sikreto ng successful love affair.

Stage mother may posibilidad na ipagbili ang anak sa sobrang taas nang antas ng pamumuhay

Sobrang gumasta at magpa-bongga ang isang stage mother. Noong kasikatan pa ng kanyang anak na aktres, akala niya walang katapusan ang pagda­ting ng pera.

Ngayon unti-unti nang dumadalang ang trabaho ng kanyang daughter, ramdam na ni mader ang crisis. Kahit ano lang project, tinatanggap niya. Hindi tulad noon na super-selan siya sa mga alok at labis pang magpresyo ng talent fee!

Afraid ang ibang showbiz insider na baka kapag tuluyang hindi na pinapansin ang kanyang anak, baka ang mader pa mismo ang mag-joke sa sariling anak. Sa sobrang high cost of living niya, posibleng magawa ng ina na ipagbili ang anak.

Manikang sumikat noong dekada ’70 na si Maria Leonora Theresa bubuhayin!

Si Direktor Joel Lamangan mismo ang nag-announce na iba­balik ang most popular love team in the history of Pinoy showbiz, ang Guy & Pip, sa big birthday bash ni Nora Aunor hosted by TV5, last Tuesday evening, May 21.

Muling mapapanood sina Ate Guy at Tirso Cruz III sa teledramang When I Fall In Love ng Kapatid network, with Marvin Agustin, Nadine Samonte, and Akihiro Blanco as co-stars.

Super-saya ng superstar noong kanyang ika-60th kaarawan, dahil sa rami ng mga kaibigang bumati at nakisaya sa kanya. Isang most touching moment that night ang pagbati, with matching gift, ng 60 fans. Umakyat sa stage ang mga nagmamahal na mga tagahanga — karamihan simula pa nang magkampeon sa Tawag ng Tanghalan ang nag-iisang Superstar.

Kitang-kita sa Multi-Purpose hall ng Meralco ang kumpletong paghahanda ng mga fans ni Ate Guy. Lahat sila magagara ang mga formal wear. Halos lahat bago ang mga suot na long gowns (with matching sequins), suit o barong. Majority of them napaiyak sa galak, na naging bahagi sila ng ika-60 birthday ng idolo ng masa.

Lahat nang bahagi ng bansa, may kinatawan, hanggang sa Visayas at Mindanao at may galing pa sa ibang bansa.

Ayon kay Mau Feria at Pete Malicsi, hanggang Los Angeles pala nagkaroon ng big party para ipagdiwang ang pagiging senior citizen ni Ate Guy. Ang mga taga-California, nagtipon sa L.A. at pinagsaluhan ang isang masaganang hapunan.

Bago ang pahayag ng reunion ng Guy & Pip tandem, may musical number na tampok si Maria Leonora Theresa. Mukhang kasama sa teledrama ang sikat na manyika nina Guy & Pip. Si Ate Noi Calderon, tuwang-tuwa, dahil noong ’70s pala, naging editor siya ng komiks na Maria Leonora Theresa!

Napanood din sa pagdiriwang ang mga piling eksena ng Ang Kuwento ni Mabuti, ni Mes De Guzman, na kinunan sa Nueva Viscaya at nag-dialogue ng Ilocano ang dakilang aktres.

Kahit ‘di mayaman three years na ang relasyon sa dyowang bagets

Vic at Pauleen hinihintay maG-Vegas

Palaisipan pa rin ang chismax na nagpakasal sa Macau (buti hindi Las Vegas tulad ni AiAi), sina Pauleen Luna at Vic Sotto.

‘‘Hindi ako nagtatago at hindi ko itatago kung anuman ang nangyari,’’ sagot ni Pauleen sa mga nag-uusisa. Ibig bang sabihin nito, wala talagang kasalang nangyari. Hintayin natin kapag namasyal silang dalawa sa Vegas!

Jodi malaki ang nagawa kay Jolo

Very grateful si Cavite vice governor elect Jolo Revilla sa kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

‘‘Kasama ko siya palagi noong kampanya,’’ say ni Jolo. ‘‘Malaki ang naitulong niya sa tagumpay ko sa eleksiyon.

Bumaba na ba ang annulment sa kasal ng aktres? Baka maaari na silang magpakasal, bago maging gobernador ng probinsiya ang batang Revilla, sa susunod na eleksiyon.

vuukle comment

AKIHIRO BLANCO

ANG KUWENTO

ATE GUY

JODI STA

MARIA LEONORA THERESA

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with