^

Pang Movies

Aga sobrang hirap at pagod ang naranasan!

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Halatang si Aga Muhlach ang kursunada ng 4th District Camarines Sur kaya masama ang loob ng mga supporter ng aktor noong iproklama ang kanyang kalaban, nag-people power sila. Gusto na kasi ng mga taga-CamSur na may bagong kumatawan naman sa kanilang lugar.

Malaking pasasalamat ni Aga sa sobrang hirap ng pagtulong sa kanya ng mga taong nagmamahal at gusto siyang maupo bilang congressman doon. Kung umayon ang himala baka si Aga ang naging bagong congressman nila.

Pumayat si Aga sa sobrang hirap at pagod sa kampanya pero masaya siya sa bagong karanasan. At least may idea na siya kung paano ba ang lumaban kahit walang pera o power.

Lovi pinairal ang loyalty

Marunong tumanaw ng utang na loob si Lovi Poe. Hindi siya natuksong lumipat sa TV5 kahit may pangakong triple pa ang ibabayad ng iba.

Wise decision naman ang ginawa ni Lovi. Gusto niyang mapanood siya ng mga tagahanga kung saan siya nakilala. At sa GMA kasi nationwide na napapanood na malinaw ang mga TV show.

Manyika ni Rita kinuhang model ng wig

May trabaho na ang paboritong baby doll ni Rita Avila na si Mimay. Kinuha siyang model ng former actress turned entrepreneur na si Jennifer Sevilla para sa kanyang wig store sa may Megamall. Napansin kasi ni Jennifer na marami palang fans si Mimay kaya’t kinuha niya ito para sa kanyang shop.

Mga tagahanga rin ni Rita ang isa-isang nagtutungo sa shop ni Jennifer para bumili ng wig na iminomodelo ni Mimay. Sayang, hindi namin naitanong kay Rita kung magkano ang talent fee ng kanyang manyika.

Ate Gay nakikipagpagandahan sa mga babaeng host

Hindi raw dapat na mag-feeling fashionista si Ate Gay sa Wowowillie. Dapat ang mga suot niya ay something funny o kaya costume na lang. Komedyante kasi siya.

Para raw kasing nakikipag-compete siya ng pagandahan ng damit kina Mariel Rodriguez, Grace Lee, at Arci Muñoz. Girls sila talaga at hindi bakla. Lalo namang hindi mga komedyante.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ARCI MU

ATE GAY

DISTRICT CAMARINES SUR

GRACE LEE

JENNIFER

JENNIFER SEVILLA

LOVI

MIMAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with