^

Pang Movies

Vice Ganda parating may nararamdamang takot

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi itinanggi ni Vice Ganda na may nararamdaman pa rin siyang takot sa kabila nang hindi matatawarang tagumpay na tinatamasa niya nga­yon. In fact, araw-araw nga raw ay lagi siyang may kaba factor.

 â€œAraw-araw, sa tuwing magsisimula ang It’s Showtime kapag tinawag ang pangalan ko, kinakabahan ako. Every single episode ng GGV (Gandang Gabi Vice) ’pag tine-tape ko kinakabahan ako.

 â€œTuwing sasampa ako sa entablado, kahit sa mga comedy bar lang, kinakabahan ako. Lagi akong may takot. Siyempre gusto kong makasiguro. Ayokong masyado kang relaxed na ang yabang-yabang na ‘bebenta ’yan, ayokong mag-promote,’” pag-amin ni Vice.

Kaya nga raw sa forthcoming concert niya sa Smart Araneta Coliseum na I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta na gagapin sa May 17 ay siya mismo ang nagbenta ng tickets sa Big Dome at bentang-benta rin ang ginawa niya dahil nga talagang pumila ang mga tao nang malamang siya ang nasa ticket booth.

Ang nakakatawa, kuwento pa ni Vice, doon niya nakita na ang mga taong bumibili ng tickets eh hindi naman mukhang mayaman pero libo ang halaga ng binibili.

“Ang pinakamura sa General Admission is three hundred pesos plus eh magkano na rin ’yun, ’di ba? Kumbaga, kung three hundred fifty pesos, ’yung sinuweldo mo ng minimum nung araw na ’yun ay ’yun ang pinambili mo ng ticket. Eh paano kung marami?

“Kaya sabi ko, nakakahiya. May bumili ng worth twenty thousand plus. Nahiya ako kasi ang hirap ng buhay pero para ilaan nila sa ’yo ’yung bente mil nila sa isang gabi lang na dalawang oras ibig sabihin ganun kaimportante sa kanila. Kaya nahiya ako and at the same time, sabi ko ‘Ay, hindi ko puwedeng putsuhin (imani-mani) itong concert na ito. Kailangang husayan ko talaga kasi nakakahiya,” pahayag ng gay comedian.

In the future, dream pala ni Vice Ganda na maging action star. Noon pa raw niya ito sinasabi kay Direk Wenn Deramas. Gusto raw niyang maging first gay action star at gayahin ang ginawa ni Dante Varona sa isang movie nito noon na tumalon sa San Juanico Bridge sa Samar.

Neil Coleta mas gustong tulungan si Daniel Padilla

Sa Ikaw Na segment ng Bandila ay napaamin ni Boy Abunda si Neil Coleta kung sino ang girlfriend niya. Isang baguhang artista raw ito at hindi man niya ini-reveal ang full name ay sinabi niya na ang initials daw ay E.O.

Sa totoo lang, hindi namin mahulaan kung sino ito kaya itatanong na lang namin kay Neil kapag nagkita kami.

Anyway, cute ang interview ni Kuya Boy kay Neil. Puro tawanan nga silang dalawa at pinakagusto namin ay ang question na “Kung ikaw ay superhero, sino ang una mong ililigtas sa dalawang taong close sa ’yo — si Daniel Padilla o si Coco Martin?”

Sagot ni Neil na nagpasintabi na kay Coco, “Kuya Coco alam mo naman... kasi si Kuya Coco is Juan dela Cruz na, so, superhero na. Hindi mo na kailangang tulungan. Si Daniel Padilla, kumbaga, hindi superhero. So, siya ang tutulungan ko.”

Bilang Asiong naman sa Juan dela Cruz with Coco, ani Neil ay hindi na siya umaarte dahil kung gaano siya kakulit in real life ay ganun din daw ang karakter niya sa serye.

Ayon pa sa young actor, ang isa na dapat abangan sa fantaserye ay ang pagpasok nila ni Juan sa mundo ng engkanto kung saan ay prin­sesa si Shaina Magdayao bilang Mira.

 

vuukle comment

AKO

DANIEL PADILLA

KAYA

KUYA COCO

NEIL

NEIL COLETA

NIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with