^

Pang Movies

Show ni Pacman walang ingay na tsinugi

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-ending na pala ang show ni Rep. Manny Pacquiao na Para sa ’Yo ang Laban na ’To. Ni walang masyadong funfare nang simulan ito kaya naman ganoon din ang kapalaran nang magbabu na ito sa ere.

Naging rason din marahil ang pangangampanya ni Pacquiao. Ta­nging si Jean Garcia na lang ang tumayo sa show kasama ang ibang mga guest. Iba pa rin siyempre kung si Manny ang napapanood sa mismong programa niya.

After ng election sa Lunes, malalaman natin kung ano ang next show ni Manny sa GMA.

Aktor nagtatago tuwing may press

Nagtago ang isang aktor nang malamang may mga press na inimbitahan sa taping ng drama series na ginagawa. Although lumamlam na ang issues sa kanya, still, hindi pa rin nilabas ng aktor ang press.

Eh, feeling naman ng press, hindi siya kawalan kung hindi siya makausap. After all, hindi na siya hot item at lipas na ang kasikatan niya.

Never namang nabalitaan ang aktor na may PR skills sa press. Kaya naman kapag nakakanti, nagiging over sensitive sa mga birada sa kanya.

 

vuukle comment

AKTOR

JEAN GARCIA

KAYA

LABAN

NAGTAGO

PACQUIAO

PRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with