^

Pang Movies

Diether may pinagdadaanan, panay ang pakikipag-away!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Napapa-trouble yata ngayon si Diether Ocampo dahil sa babae.

For a while raw, medyo nagkaroon sila ng misunderstanding ng rugby player na si Andrew Wolff dahil may ginawa raw ang aktor sa kanyang Norwegian-Filipina girlfriend na ’di niya nagustuhan. Yes, via raw the special media network site.

Andrew, who is part of the Philippine Volcanoes that will represent the country in a big competition in Moscow, Russia, allegedly threatened Diether with harm.

Mabuti na lamang daw, ayon kay Andrew, ay “tinigilan’’ na rin ni Diether ang kanyang kasintahan.

Of course, aware tayo sa ‘‘pikunang’’ kasalukuyang namamagitan kina Diether at Angelica Pa­nganiban. Feeling yata kasi ni Angelica ay sinadya ni Diether na tapunan siya ng isang plorera ng bulaklak sa isang eksena, during a taping for their ongoing series Apoy sa Dagat. As far as Angelica is concerned daw, wala ang nabanggit na eksena sa instruction na ibinigay sa kanila ni Direk FM Reyes.

Natamaan yata sa paa si Angelica kaya nagsumbong ito sa boyfriend na si John Lloyd Cruz, who, in turn, threatened Diether diumano to a fistfight nang sumugod ito sa set ng taping.

It was good daw that cooler heads intervened.

Well, kung anuman daw ang problemang kasa­lukuyang dinadala ni Diether ay wala siyempreng nakakaalam.

Kung buhay pag-ibig ni Diether ang pag-uusapan, mukhang smooth naman ito.

Isang equestrienne diumano ang kasalukuyang kanyang apple of the eye, na malapit na kamag-anak ng fellow Kapamilya ni Diether na si Kris Aquino (on the Cojuangco side).

Boy, Vice Ganda, at Mother Ricky gagawin ang lahat para sa ina

What do all three successful persons, Boy Abunda, Vice Ganda, and Ricky Reyes all have in common, maliban, of course, sa kanilang common sexual preference na ’di naman nila inililihim?

Well, all three love their mothers without limit.

It’s an open book how much Boy loves his mom, to the point na ’di siya nagdalawang-isip na samahan ito sa Germany para i-submit ang sarili sa stem cell therapy dahil nalaman nga niyang dahil sa treatment ay malamang na lumawig lalo ang buhay ng ina.

Bagama’t ang mommy ni Vice Ganda ay sa US naka-base, dahil may mga kapatid siyang residents doon, madalas siyang dalawin ng ina.

And when his mom is around, Vice will willingly give up kahit ano pa ang kanyang ginagawa kapag din lang naglalambing ang ina na samahan siya sa kung saan man niya gustong pumunta.

Bagama’t si Vice Ganda rin mismo ang may sa­bing mabait at very understanding ang kanyang ina.

In the case of Ricky, as much as possible kapag nasa bahay na siya, it is he who personally attends to all his mom’s needs.

Tulad ni Boy, pina-submit na rin ni Ricky ang ina sa stem cell treatment.

Ayon kay Ricky, he will willingly exhaust all means para makapiling ang ina ng mahaba pang panahon.

To the moms of Boy, Vice Ganda, and Ricky, happy Mother’s Day!

vuukle comment

ANDREW WOLFF

ANGELICA PA

BAGAMA

BOY ABUNDA

DIETHER

DIETHER OCAMPO

INA

RICKY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with