^

Pang Movies

Anne kilig na kilig sa ginampanan ng korean star

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anne kilig na kilig sa ginampanan ng korean star
Anne

Formal nang nagkaroon ng press launching ang local adaptation ng Korean series na It’s Ok Not To Be Okay.

Pinagbibidahan ito nina Anne Curtis, Carlo Aquino and Joshua Garcia.

Grabe ang epekto ng Korean series na ito dahil tinalakay nito ang mental issues.

Pinagbibidahan ang Korean version nito ng mga sikat na Korean stars na sina Kim Soo-hyun, Moon Gang Tae, Seo Ye-ji, Go Moon Young at marami pang iba.

Kilalang Korean drama fan si Anne at aniya gustung-gusto niya ito “how she goes to the process, pati ‘yung mga outburst niya, parang sabi ko, I can see myself.”

Isinalaysay sa kuwento ni Moon Kang Tae isang community health worker sa isang psychiatric ward na walang oras para sa lovelife, at si Go Moon Young, isang matagumpay na author ng librong pambata na may anti-social na attitude na walang alam sa pag-ibig. Pagkatapos magkita, dahan-dahang naghihilom ang dalawa sa kanilang emotional wounds.

Ang tagal na ring walang drama series ni Anne kaya naman excited siya rito na ipalalabas sa Netflix.

Sis ni Kim, umaray sa pang-iintriga

Unfair.

Ito ang tili ng isang friend ng sister ni Kim Chiu na si Lakambini.

Tungkol ito sa pinag-usapang issue na diumano’y binabantayan ni Lakam si Kim kay Paulo Avelino.

At kaya raw binabantayan dahil ‘gold’ ng pamilya si Kim.

Buhay donya raw si Ate Kam na papasyal-pasyal sa malaking bahay na ang ini-insinuate ay gumagastos ito.

At kung anu-ano pa.

Una, never daw nagbantay si Ate Kam kay Kim o nakialam sa lovelife ni Kim. Andyan lang daw ito bilang tumatayong ina ng actress / TV host na walang masama dahil wala na silang ina.

Pero ang super foul daw ay ‘yung binanggit pa nung nagkasakit si Ate Lakam at pati photos ay ipinakita.

Gulat din diumano si Ate Kam na parang kilala ito at alam ang mga ginagawa niya kay Kim na kung tutuusin ay natural na bagay sa magkapatid na binibigyan nga ng ibang interpretation.

Actually, nakakagulat talaga na may mga ganun na ngayon.

Na parang kilala na nila ang mga artista at kamag-anak nito. As if talagang close sila at nagkasama sa bahay.

 Na-alarm lang diumano si Ate Lakam na nagpapanggap ang iba na kilala siya gayung wala naman silang kakonek-konek sa totoong buhay.

Saka sa totoo lang, nakilala ko si Ate Kam na low key sa pagiging ate kay Kim.

Never siyang umepal kay Kim. Na pwede niya sanang gawin dahil she has all the right to do it.

Pero may tiwala nga diumano ito sa kapatid.

Sabagay, ang dami talagang pakialamero ngayon at laging nagsasabi na ka-close nila ang ibang artista.

Heart, pinatos ang basher

Pikon na si Heart Evangelista sa isang netizen na kaya siya maganda ay dahil walang inaasikasong anak.

“Wait lang ha? Napipikon ako sa ‘yo, ha?” kalmadong say ni Heart.

“Please comment with your real account. Please. So, I can address you properly. But since you didn’t use your real account, I cannot address you properly and I will not address you properly,” chika niya pa sa Tiktok.

“My dear, it’s already 2024. I have lost 4 babies already. Don’t give me this sh*t.”

Dapat naman talaga maging palaban na ngayon, iba na ang panahon.

Andrea, nilantad ang trauma!

Isang heart-to-heart na usapan ang hatid ni Ganiel Krishnan kasama si High Street star Andrea Brillantes, kung saan ilalahad ni Andrea ang kwento tungkol sa isang trauma o masakit na karanasan na pinaghuhugutan niya ng inspirasyon kapag may mga hamon sa kanyang buhay ngayong Linggo (Mayo 19) sa Tao Po.

Ibabahagi rin ni Andrea ang kanyang karanasan bilang isang child star na lumaki sa mata ng publiko. Maglalaro rin sina Ganiel at Andrea ng 2 Truths and a Lie at tuturuan ang isa’t isa ng kanilang mga signature pose.

Samantala, sumama sa byahe ng hospital van si Victoria Tulad na minamaneho ng surgeon na si Dr. Jim Sanchez.

Kwento ni Dr. Sanchez, ang hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang ina dahil sa kakulangan sa pangangalaga sa kalusugan sa bansa ang nagtulak sa kanyang maging doktor at tulungan ang mga taong may limitadong access sa medikal na serbisyo.

Sa kasalukuyan, ang kanilang team ng mga doktor ay naglilingkod sa humigit-kumulang na 120 na pasyente kada araw, na nag-aalok ng libreng operasyon para sa mga may cleft lip, hernia, thyroid, benign at malignant soft tissue tumors.

Ilalahad naman ni Kabayan Noli De Castro ang kwento ni Benedicto Quinto mula sa Candaba, Pampanga. Sa kabila ng kanyang edad na 89 taon, patuloy siyang nagbibisikleta ng dalawang kilometro papunta sa iba’t ibang rice mills upang magwalis ng natirang kanin mula sa highway. Ayon kay Benedicto, hindi siya pwedeng tumigil sa pagtatrabaho dahil kailangan niyang suportahan ang kanyang pamilya at asawang may diabetes.

Maaring abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (May 19) sa Tao Po ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’ YouTube Channel, at iWantTFC.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with