^

Pang Movies

Kim, itatambal sa iba pagbalik sa Star Cinema?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, itatambal sa iba pagbalik sa Star Cinema?!

Nagbabalik sa Star Cinema si Kim Chiu para sa isang bagong pelikula.

Ang magandang balita ay kinumpirma ni ABS-CBN Films head Kriz Gazmen sa pamamagitan ng isang social media post noong Miyerkules.“We’ve been wanting to work together again for years now but timing is everything, and now, it’s finally happening

“Welcome back to @starcinema, @chinitaprincess!!! I am so proud of your back-to-back successes and can’t wait for this next one! Let’s do thissssss!!!,” sabi ng bossing ng ABS-CBN Films.

Bukod sa kanyang hit primetime series na Linlang, laging trending ang Philippine version ng What’s Wrong With Secretary Kim.

Partner niya sa dalawang series si Paulo Avelino.

May ibang nagsasabi na sila na talaga sa totoong buhay, pero walang sinasabi sina Kim at Paulo.

Ang huling pelikula ni Kim sa Star Cinema ay ang horror movie na U-Turn noong 2020.

Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging regular sa ASAP Natin ‘To, nasa It’s Showtime rin siya na lagi ring trending.

Anyway, true ba na pang-MMFF itong project na gagawin niya sa Star Cinema?

Alden, nagsalita sa sinabi kay Daniel

Hindi na nakatiis si Alden Richards, pumalag na siya sa fake news na kumakalat tungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo.

Nag-viral recently ang diumano’y statement ni Alden sa ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.

Pinagdiinan ni Alden na  hindi siya nagsasabi ng panget na mga salita laban sa kahit kaninong tao.

“Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyado nakakasama,” aniya sa 24 Oras.

“Wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy doon sa fake tweets na kumakalat.”

Kaya ang babala niya, mag-iingat at huwag basta-basta maniniwala sa mga maling balita at fake tweet.

“Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po ay pugad ng fake news, so not until ‘yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng tweets na kumakalat diumano, eh, ‘wag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment,” dagdag niya.

Ang dami nga namang gullible sa earth ngayon.

As in parang hindi na nag-iisip man lang, paniwala agad at sini-share pa.

Anyway, isa si Alden sa mga artista na maka-Diyos.

Nagsisimba at may spiritual adviser na pari.

Meron kasing ibang mga artista ngayon na hindi na pumapasok sa simbahan, iba na ang paniniwala nila sa relihiyon kesa sa kinalakihan nila.

Pero si Alden, hindi nagbago sa pagiging maka-Diyos na ‘pag may event ay nagpapamisa muna bago ang lahat.

Pelikula ng aktres, may utang pa sa investor

May utang pa ang producer ng pelikulang pinagbidahan ng sikat na actress sa isa sa mga investor nito.

Yup, hindi na raw naibalik ng producer ang investment ng isa nilang partner at ang sinasabi diumano ng producer, hindi bumalik ang pera nila at walang kinita ang pelikulang pinagbidahan nga ng sikat na actress.

Ilang taon na ang nakalipas at umasa ang investor na babalik kahit paano ang pera niya pero waley, nganga si investor ayon sa isang nakakaalam ng kuwento.

Pero ang producer parang ‘di naman nalugi dahil andyan pa siya at may pelikulang ginagawa na ang sikat na aktres ulit ang bida.

LT AT LL, totohanan na ang relasyon

Tawang-tawa si Lorna Tolentino ‘pag sinasabing marami ang naniniwala na may relasyon na talaga sila sa totoong buhay ni Sen. Lito Lapid.

Marami na nga ang kumbinsido na na-develop na sila dahil sa mga eksena nila sa Batang Quiapo.

“Talaga ba, merong ganun,” aniya na parang may kilig.

Hahaha.

Anyway, kasalukuyang nasa Cannes Film Festival si Ms. LT kasama si Sylvia Sanchez.

Tulad last year, namimili sila ng mga pelikulang pwede nilang i-distribute.

Samantala, nasa Cannes din sina direk Paul Soriano and Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Kylie Verzosa at marami pang iba.

At bongga si Kylie, rumampa na naman sa red carpet.

Si LT ay obvious na sawa na sa pagrampa sa mga red carpet event, mas type niyang mag-ikot sa mga booth at ‘mamalengke’ ng mga foreign film na may potential na ma­ging box office sa takilya. 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with