Heart, may pinahahanap na basher
Curious ang nakapanood ng TikTok ni Heart Evangelista kung sino si Bungo na ipinahanap niya para sa basher na nagpapikon sa kanya. Sino raw ba si Bungo at gaano siya kagaling maghanap ng basher?
Napikon siya sa comment ng basher na kaya lang siya maganda dahil wala siyang anak. Sagot nya, apat na babies na ang nawala sa kanya, “don’t give me s*hit,” sabi nito.
Nag-comment din ito sa sinabi ng basher na maganda lang siya dahil siguro wala siyang inaalagaang anak. “I live a very grateful and peaceful life and it makes a lot of difference. And araw-araw akong nagpapa-derma, kaya ako maganda,” sabi pa ni Heart.
May mensahe rin siya sa basher, sana raw ginamit nito ang real account para maayos niyang nasagot at rude comment. Dito na pumasok ang comment niya na “hanapin niyo si Bungo.”
Ang payo ng netizens sa kanya, ‘wag bigyan ng atensyon ang mga basher dahil nag-i-enjoy pa ang mga ito kapag napansin.
May naniniwalang dapat idemanda niya ang basher na sobra na ang mga paninira, hindi lang sa kanya, pati na sa ibang celebrity. Ang dami raw insensitive at bastos na bashers.
Fans nina Alden at Kathryn, may bardagulan
Pinag-aawayan ng Kapamilya at Kapuso fans ang pagko-collab ng Star Cinema at GMA Pictures sa part 2 ng Hello, Love, Goodbye na muling pagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Bukas, May 19, 6 p.m., ang official announcement ng first movie collab ng dalawang film companies.
Kung marami ang natuwa na after five years, magkakaroon na ng part 2 ang HLG at malalaman na kung ano ang nangyari kina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) pagkatapos nilang maghiwalay sa part 1, may mga nagmamaasim din.
Ayaw ng Kapamilya fans ng collab dahil wala naman daw ambag ang GMA Pictures sa HLG1 bukod kay Alden. Baka raw akuin na naman ng GMA Pictures at ni Alden kapag kumita ang pelikula. Bakit daw hindi na lang gawin ni Kathryn ang Elena 1944 na matagal nang nakaplano?
Sa side ni Alden, may fans din ang aktor na ayaw sa HLG2 dahil mabubuhay na naman daw ang akusasyon sa kanyang “user” at “promo king” siya.
Ang KathDen fans pa lang ang sobrang tuwang-tuwa dahil nga five years nilang hinintay ito. May pakiusap nga sila sa solo fans nina Alden at Kathryn na pagbigyan muna sila. Saka na raw sila magbardagulan kapag naipalabas at kumita na ang pelikula.
Melissa, aarte na rin!
VERY proud husband si Rocco Nacino sa wife niyang si Melissa Gohing-Nacino na isa sa mga bagong talent na pumirma sa Sparkle GMA Artist Center.
Volleyball player ito at sa pagpirma niya ng kontrata sa Sparkle, ibig bang sabihin nito, magsu-showbiz na rin siya?
Sabi pala nito, “I can finally say, I’M A PROUD KAPUSO!” Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Melissa si Rocco at tinawag pang, “You are the best.”
- Latest