^

Pang Movies

Male host, nagtimpi sa lalaking may bitbit na isang batalyon na fans

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagtimpi ang isang male host nang dumalo sa isang event dahil sa isang lalaking maya’t maya ay either nagpapa-picture sa kanya o ‘di kaya ay humihingi ng video greeting para sa kaibigan.

Akala ng host eh hanggang doon na lang ang request ng lalaki. Pero hindi pa nga sinasalang sa trabaho ang host, heto na naman si lalaki at nagpapa-selfie naman.

Natahimik ng ilang minuto ang lalaki. Pero kalaunan, aba, isang batalyon na ang kasama at gusto eh isa-isa pa ang picture taking sa mga kasama, huh!

Lumapit na ang kasama ng host at sinabihan ang lalaki na maniningil na siya kapag hindi tinigilan ng lalaking magsama ng mga kakilala para makapagpa-picture sa host, huh! Natigil ang lalaki at nawalang parang bula hanggang sa umalis na sa event ang host!

Marian, giniba ang mga influencer sa TikTok

Nakakalula ang views sa TikTok ng Price Tag challenge ni Marian Rivera. Umabot ito sa 200 million views, huh!

TikTok Queen na nga, Dancing Queen pa ang dagdag na tawag ngayon kay Yan! Gibang-giba ang Tiktok sa bawat post niya!

Naku, pataubin ninyo muna si Marian sa Tiktok bago sabihing malakas kayong influencer sa TikTok, huh!

Congratulations, Marian!

vuukle comment

FANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with