^

Pang Movies

Dahil marunong makisama, aktres nagtagal sa show kahit bobo sa pagho-host

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nabigyan ng break ang aktres nang maging co-host sa isang sikat na show sa telebisyon. Nagsimula ito bilang sexy actress. Nagtagal sa show dahil mabait, marunong makisama, at propesyonal.

’Yun nga lang naiiwanan ito dahil hindi marunong sumakay o makipagbatuhan ng mga linya sa co-hosts. Mabuti na lang at mabait sa kanya ang isang male host dahil tinuturuan siya kung paano makisabay lalo na sa pag-iinterbyu sa guest celebrities.

Heart palaban

Hot issue ngayon ang tungkol kina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero kung saan laman ng mga diyaryo at interbyu ng mga magulang ng aktres sa telebisyon ang hindi nila pagsang-ayon sa pag-iibigan ng senador at ng kanilang anak.

Naniniwala kami na walang magulang ang naghangad nang masama para sa kanilang anak. Maaaring may nakita silang ’di maganda sa boyfriend ni Heart sa maling inasal nito sa ilang pagkakataon kaya ’di boto sa kanya

Kung bukas man ang komunikasyon sa pagitan nina Heart at parents nito ay magkakaunawaan sila. Palaban ang aktres at nasubukan na ito sa nagdaan niyang relasyon lalo na kay Jericho Rosales na mas pinili ito kaysa magulang noon pero nagbalik-loob din naman nang magkahiwalay sila ni Echo.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

MAAARING

NAGSIMULA

NAGTAGAL

NANINIWALA

PALABAN

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with